


HINDI pa nga tapos ang Miss Universe 2023 ay may naglabasang isyu na naman ito sa katatapos lang na Top 5, kung saan ay kasali pala ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Marquez Dee. Imbyerna tuloy mga tagasuporta ni MMD dahil di naman pala ang Thailand ang nasa Top 5 kundi ang Pilipinas malamang na scam na naman ang Pinas, lalo pa ayaw na ayaw ni Nawatsky (Thai owner ng Miss Grand International) makapasok mga Pinay beauty queens.
Mako-connect-connect mo nga naman ang pangyayari na itong magkaibigang Thai owner ng Miss Universe na isang transgender at ang baklang si Itsagaril Nawat ay balak pabagsakin ang mga beautuy queens natin. Hayan na nga sinabotahe ang pambato ng Pilipinas, una ang Ms. Grand Intl 2023 na waley nganga ang napala ng pinadala natin, dahil galit na galit si Nawatsky sa mga Pinay queen. At heto naman ang sumunod kung saan ay lumalaban ng todo ang kandidata natin sa kanyang venomous walk at nakaabot naman sa Top 10 semifinalists pero ano itong kalalabas lang na post galing mismo sa Miss Universe org?
Kasali si MMD pero di tinawag, talaga lang madaming gusto magreklamo kay Tulfo dahil unfair nga naman sa gown palang ni MMD ay kinabog lahat sila, baka nga shokot kung makahawak ng mic baka matabunan mga Latina kung binigyan lang ito ng pagkakataon na ilaban ang Pilipinas.


MISS PHILIPPINES UNIVERSE 2023 MICHELLE MARQUEZ DEE, LANDED IN TOP 10 FINALIST
NATAPOS ang kampanya ng Pilipinas sa Miss Universe 2023 ng makarating sa top 10 ang pambato natin na si Michelle Marquez Dee sa semifinalist ng tough 20 hangang umabot na nga ito sa top 10. Matindi ang labanan dahil ito ang pinakamalawak na patimpalak para sa mga transformational woman na kinabilangan ng mga nanay, transgender, muslim at plus extra large woman na pumasok naman sa semifinalist ang mga naturang kandidata, Malaki ang naging impact ni Michelle Dee dahil isang bisexual ang kanyang pagkatao kaya isa siya sa mga nakatangap ng parangal di lang isa kundi dalawang awards ang nakuha ng pambato ng Pilipinas.
Ang maging transformational woman na kasama niya ang. Miss Angola at Miss Puerto Rico. Ang isa pang nakuha ni Michelle Dee ang Spirit Of Carnival awards na parang Miss Friendship dahil siya lang naman yata ang palakaibigan sa kanyang batch 2023 na tagakuha ng mga picture, at magaan sa kanya mga kapwa kandidata dahil magaling ito magturo ng make-up at di madamot si Michelle magpahiram ng outfit. Ang naiwan sa top 3 ay ang Miss Thailand na kung mananalo ay pangatlong korona na nila ito pati Australia na kasama din sa finalist at ang Nicaragua na wala pang panalo sa Miss Universe.
