ANNE CURTIS, NAIPIT SA ISYU DAHIL.KAY VICE GANDA

ANNE CURTIS, NAIPIT SA ISYU DAHIL.KAY VICE GANDA

May be an image of 1 person and text that says 'TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta@yahoo.com'
No description available.
No description available.

NAGKABATI na sila Vice Ganda at Anne Curtis na tila nagtampo sa co-host no’ng sa Isa nilang bardagulan o biruan, nabigla ang actress na sabihin ang tagline ng McDo, ng iniendorsong fastfood chain ni Vice. Naipit sa isyu si Anne dahil magkaribal ang mga nasabing burger chain. Dahil live episode ang It’s Showtime, nakarating agad ito sa kinauukulan at agad ding pinadalhan ng comforting message ng Jollibee si Anne dahil sa nasabing honest mistake nito sa di sinasadyang pagkakabanggit sa tagline ng karibal nilang produkto. At dahil dito’y agad ding nag-apologize ang Unkabogable star sa kanya “I put Anne in uncomfortable situation. Wrong. Sorry,” sinsero namang paumanhin ni Vice.

No description available.

DANIEL PADILLA, BITUING NAWALAN NG NINGNING?

MATATANDAANG nitong nakaraang tàon,2023, inanunsiyo ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominique Roque ang kanilang engagement. Bagama’t wala pang petsa o venue ang kanilang planing pagpapakasal, ni-reveal agad ni Domique na nais niyang imbitahin o mapabilang sa kanilang wedding entourage ang mga tropa sa Nguya Squad na kinabibilangan ng mga kapuwa actor gaya nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Marco Gallo, Patrick Suguu, Ria Atayde, Bianca Yanga, Joe Vargas, Aeriel Garcia, Gabbi Garcia, Khalil Ramos at Josef Elizalde.

Pahayag ni Dom, “Actually Hindi pa namin naitatag ang mga nasa (wedding) entourage. Basta sa lalaki side,’yung mga kabarkada kong lalaki gaya nina Patrick, Marco, Khalil. ‘Yun talaga ang mga kasama ko noon pa.” Pero sa bago niyang panayam, ganu’n pa rin daw ang kanyang line-up except for Daniel na nawala sa kanyang listahan sa kanilang anunsiyo para sa nalalapit nilang kasal. “Si Kathryn (Bernardo), oo. Pero si Daniel we’re not yet okay, hindi pa kami nag-uusap since 2020. We haven’t seen each other for the longest time. I haven’t been in contact with Daniel since at matagal na din kaming ‘di nag-uusap,” sagot ni Dom sa tanong kung bakit nabago ang kanyang entourage at naligwak si Daniel sa mga invited?

Ayon sa aming source mas close daw ang màgkasintahan kay Kathtryn kesa sa aktor Tila naglalayuan na rin daw ng mga maraming endorsements para kuning endorsers ang actor. Sa ngayo’y wala pa ring sumusugal na film at TV productions for Deej dahil natatakot silang isama sa kanilang project ang umano’y bituin na nawalan na raw nang ningning. ‘Lugi’ is the word, sabi nga ng Ilang directors at producers kapag sumugal sa nega image ngayon ng actor.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *