MOST WANTED ARESTADO SA NAKABINBING ARREST WARRANT

MOST WANTED ARESTADO SA NAKABINBING ARREST WARRANT

INARESTO ng mga tauhan ng Taguig Warrant and Subpoena Unit, ang suspek na nagngangalang si Edmond Baloyot, 42-anyos, na nakalista bilang Rank 10 ng Top Most Wanted Person (Station Level), sa bisa ng pagpapatupad ng Warrant of Arrest (WOA), bandang alas-11:16 ng umaga kamakailan sa Barangay Bagumbayan, Taguig City. Ang nasabing suspek ay may nakabinbing arrest warrant (Service of Sentence) na naka-docket sa ilalim ng Criminal Case No. 4728-D para sa paglabag sa Article II, Section 11 ng Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Ang WOA ay inisyu noong Disyembre 20, 2023 ni Honorable Bernard Pineda Bernal, Presiding Judge, Regional Trial Court (RTC), Branch 70 ng Taguig City. (Joseph Elias Bontogon)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *