VILMA SANTOS, HAPPY SA BAGONG WORK NG MISTER NA SI SEC. RALPH RECTO

VILMA SANTOS, HAPPY SA BAGONG WORK NG MISTER NA SI SEC. RALPH RECTO

May be an image of 1 person, money and text that says 'hike GO ww deal Online BY: GERRY OCAMPO'
No description available.
No description available.

NAKADAMA ng kasiyahan si Vilma Santos nang tanghaling Best Actress sa katatapos na Manila International Film Festival para sa pelikulang When I Met You In Tokyo. Matatandaan inulan ng pamba-bash si Ate Vi ng ilang netizens dahil sa pagkapanalo Best Actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival Award Nights para din sa nasabing pelikula na kung saan nagparatang pa ang iba na nagkaroon daw diumano ng lutuan o bayaran sa naganap na awards night. Ayon nga sa Star for All Seasons dahil sa muling pagkapanalo niya sa Manila International Film Festival matapos sa Metro Manila Film Festival na kung saan magkaiba nga ang mga hurado ng dalawang award giving bodies.

Pakiramdam ng Star For All Seasons ay vindicated siya dahil ito ang patunay na maganda talaga ang nagawa niyang pelikula kaya kinilala ito ng parehong award giving bodies. Pero kung tinanghal siyang Best Actress ay marami naman ang nagtaka kung bakit wala sa hanay ng mga nominado sa category ng Best Actor si Christopher de Leon sa MIFF. Ang ikinalungkot pa ng mga suporters ni Boyet ay personal pa itong bumiyahe pa Los Angeles California para dumalo sa naturang awards night na kung saan siya nga ang tumanggap ng tropeo ni Ate Vi nang tanghaling Best Actress.

Nagpasalamat at labis na kasiyahan ang ipinaabot ni Ate Vi sa pagkilala natanggap pero aminado na nandoon pa rin ang kanyang kalungkutan sa nangyari sa kanyang partner at tumayong associate director ng When I Met You In Tokyo. Ayon kay Ate Vi hindi magiging epektibo ang pagkakapanalo niya sa nasabing movie kundi dahil kay Boyet. Dahil sa gabay ng actor sa bawat eksena ay nagawa niya ng mahusay. Dagdag pa ng Star For All Season hindi niya alam ang criteria sa pagpili ng mga nanalo pero respeto lang kay Boyet bilang Drama King ng industriya Pinoy, sana kahit nominasyon lang ay nakasama ang actor.

Samantalang marami ang natuwa sa lumabas na mga larawan ni Ate Vi na kung saan pinapakain niya ang apo na si Baby Peanut. Sabi ni Ate Vi abala siya at ang mag-asawang Luis at Jessy pero sinisiguro niya na every Sunday ay nagkikita-kita sila sa bahay nila ni Secretary Ralph Recto para magbonding. Proud grandmama si Ate Vi sa apo at paglaki raw ni Baby Peanut ay sasayaw silang dalawa sa TikTok. Very happy rin si Ate Vi sa pagkakaluklok ng mister bilang bagong Secretary of Finance ng administrasyon ni BBM, Panalangin din ni Ate Vi na sana ay mabigyan ng tama at positibong tulong mula sa mga tao nasa paligid nito.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *