SIKRETO NG MATIBAY NA SAMAHAN NG MAG-ASAWANG CHARLENE GONZALES AT AGA MUHLACH

SIKRETO NG MATIBAY NA SAMAHAN NG MAG-ASAWANG CHARLENE GONZALES AT AGA MUHLACH

May be an image of 1 person, harp and text

No description available.
No description available.

MAY mga kaanak sina Aga Muhlach na may mga kuwento ng hiwalayan sa pamilya. Para sa dating matinee idol ay napakalungkot sa buhay ng mga ganu’ng pangyayari. Kaya naman nang makasal sila ni Charlene Gonzales, noon hanggang ngayon ay inalagaan at talagang tinutukan ng kanyang panahon ang nabuo niyang pamilya. Kahit sikat na aktor si Aga ay may kasimplehan siya sa kanyang lifestyle. Hindi siya mahilig magpapansin sa showbiz para maging kontrobersiyal. Siya talaga ang nilalapitan ng kontrobersiya, dahil big star siya. Ang suwerte rin ni Aga, dahil si Charlene bilang celebrity na galing din sa angkan ng mga artisya ay simple lang sa buhay, nagtugma sila bilang mag-asawa. Natupad na ang mga pangarap ni Aga sa buhay may asawa. Natupad nila ni Charlene na mapalaking maayos ang kambal nilang mga anak na sina Atasha Muhlach at Andres Muhlach, at ngayo’y pareho na nilang pinayagang pumasok sa showbiz. Napakasaya ni Aga bilang padre de familia, kaya nasa panahon na lang siya ngayon na gumagawa at tumatanggap na lang siya ng mga pelikulang gusto niyang gawin.

No description available.

SOBRANG mababa ang loob ni Isabel Rivas sa pagiging maawain kapag mayroon siyang mga kapwa artista na dumaranas ng iba’t-ibang uri ng kahirapan na bigla na lamang bubulaga sa mga balita ang ibang artistang naghirap, walang matirhan, walang naipon, nagkasakit at ipinanghihingi ng abuloy sa showbiz at namatay na miserable. “Oo, sobrang nalulungkot ako sa mga ganu’ng nalalaman ko. Halimbawa, sumikat pero hindi pala nakapag-ipon at namatay nang walang-wala. Yong iba, nalulong pa halimbawa sa drugs. Malungkot, pero hindi naman kasi natin alam ang mga dahilan kung bakit humantong sila sa gano’n,” simpatiya ni Isabel. Kumpara sa ibang artista ay napakasuwerte ni Isabel sa buhay at kabuhayan. Mayroon siyang malawak na Farm sa Zambales. “Minsan iniisip ko ‘pag may nababalitaan akong kapwa artista na naghihirap, kung puwede lang ba, dalhin ko sila sa aming Farm para magtanim ng ikabubuhay nila, ‘di ba? Kaso, sa City ang buhay nila, hindi sa bukid dahil artista sila. Ako, dumaan din ako sa hirap, kaya nagsisikap pa rin ako. Ayoko nang maghirap dahil galing na ako doon,” wika ng mahusay na aktres.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *