ELISSE JOSON AT MCCOY DE LEON, LOVE WINS ANG PEG

ELISSE JOSON AT MCCOY DE LEON, LOVE WINS ANG PEG

No description available.
No description available.
No description available.

SADYANG love ni Elisse Joson si McCoy de Leon. Kahit busy ang aktres, binigyan niya ng panahon ang kaarawan ng kanyang partner in life. Sa Instagram ay makikitang sine-lebrate ng happy family ang kaarawan ng aktor kasama ang pamilya at ilang malalapit na kaibigan. Ani Elisse sa kanyang Instagram: “Daddy Mccoy, my love, mahal ko… Happy birthday to you. Our villa for the weekend weekend @kumo_villa” Komento ng netizens, “mahal na mahal talaga ni Elisse si makoy” Isang netizen din ang nagbigay ng mensahe, pero may kasamang parunggit. “Happy birthday David, kahit nakakainis ka.” Affected much kasi siya sa role ng aktor sa Batang Quiapo kung saan ang role ni McCoy ay si David. Pansin naman ng isa, “C lalaki simple kits sa tsinelas n mumurahin. Ung asawang sosyalin nkhermes p” Maging si Vina Morales ay bumati sa actor ng Happy Birthday. Dating nagkahiwalay na ang MacElisse, pero dahil mahal nila ang isa’t isa ay nagkabalikan ang dalawa. “Masaya talaga ako at nabuo uli kayo ni McCoy.” “Sbrang ganda ni elisse ngayon dko mkita tlg lng ano yung nagiba” “Sweet. Love this young couple. Parenthood has grounded them.” “As a fan, I’m happy you both worked it out! Love watching your little family.” “Sila ang young couple na hindi pinairal pride nang magkahiwalay. Nanaig ang pagmamahalan sa isa’t isa.” “Hindi sinukuan ni mccoy si Elisse kahit matindi ang galit noon kay mccoy.”

No description available.
No description available.

KATHRYN BERNARDO, MISTULANG IBONG NAKAWALA SA HAWLA SA AUSTRALIA

NASA Australia pa rin hanggang ngayon si Kathryn Bernardo. Super enjoy siya kasama ang kaibigang si Arisse de Santos habang naglilibot sa Melbourne. Sa bagong journey ni Kath sa bansa, binahagi niya ang larawan nilang magkaibigan na walang kemeng naglalakad sa kahabaan ng highway sa kainitan ng araw. Sey ng aktres: “It’s a forever kind of thaanggg” Hindi matatawaran ang pagkakaibigan ni Arisse sa kaibigan na hanggang dulo ay sasamahan ang aktres para makalimot sa pinagdadaanan nito. Komento ng aktres na si Amy Austria: “stay blessed and happy anak. I love you.” “I crie love you forevs,” sey naman ni Arisse “Not sisters by blood but sisters by heart” Sinusulit ni Kath ang kanyang pagbabakasyon sa Australia. Kitang-kita sa kanyang ang maaliwalas na ngiti sa mukha. Sabi nga ng isang commenter. “she’s free as a bird. She fly wherever she wants.” “Halatang na-miss ni Idol ang kanyang youthful age. Lagi kasing nakabakod noon si Daniel sa kanya.” “Go Kath. Paint the town red with Arisse.”

No description available.

dahil sa super hectic sched ng magdyowa…. RICO BLANCO AT MARIS RACAL, THANKFUL AT MULING NAKAPAG-DATE

PAREHONG busy ang celebrity couple na sina Rico Blanco at Maris Racal lately. Pero, very thankful sila dahil sa blessings na dumarating. Despite sa busy schedule ay ginawan pa rin ng paraan ng singer/producer/songwriter na makipag-date sila ng girlfriend na Maris. Ipinasilip nga ni Rico ang romantic date nila ng girlfriend. Aniya, “Finally nakapag-date din.” Rico expressed delight that they finally found some time for a date. Aniya pa, “Both been so busy lately but always thankful for all the blessings.” Binahagi rin ni Blanco ang ilan nilang kuhang larawan na nasa isang classy restaurant. Kinilig naman ang supporters ng celebrity couple sa kanilang romantic date. “Cute ni ricooo parang 30s lang.” “Wag kayong maghiwalay panindigan nyo. Itong kilig ko hanggang mamatay” “Sa lahat ng jowa mo ito pinakabagay sa yo kahit malayo age.” “Oo na Maris panalo ka na” “Sana pakasalan mo na siya”

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *