ANNE CURTIS, KINAIN ANG BAON NI KARYLLE

ANNE CURTIS, KINAIN ANG BAON NI KARYLLE

May be an image of 1 person and text that says 'ErTCH eri Kiri Email Add: lizbeth 1021 EmailAdd.izbeth1021@yahoo.com @yahoo.com BETCI ni:BETHGELENA BETH GELENA ni:'
Passionista' Anne Curtis shares tips on how to keep an organized life |  Philstar.com
Karylle to single ladies: "Please don't have a boyfriend." | PEP.ph

HINDI sinasadyang nakain ni Anne Curtis ang pagkaing baon ni Karylle.  Aniya,  “Akala ko talaga part siya ng baon ko.” Natawa na lamang ito habang kinukuwento ang tungkol sa pangyayari kaugnay sa hindi sadyang pagkain niya ng baon ni Karylle. Kwento ni Anne. Nagulat si Karylle nang bawas na ang baon niyang ‘Adlai’ nang makita ang kanyang baunan. Napagbintangan pa niya si Teddy Corpuz ang kumain dahil si Teddy lang daw ang nakita niyang nakaupo doon. Pinabulaan naman ng kapwa cohost na hindi siya dahil di raw ito kumakain ng Adlai.  Katwiran naman ni Anne, inakala daw talaga niyang bahagi ng baon niya ang baon na iyon ni Karylle. Natawa na lamang si Anne habang kinukuwento ang insidente na nagdulot ng aliw sa fans ng It’s Showtime. 

Luis Manzano - YouTube
Luis Manzano: The Country's Premier TV Host | ABS-CBN Entertainment

Nikolai ang dapat na pangalan… LUIS MANZANO, MA-SIYETE NOONG PINANGANAK KAYA PINANGALANAN NA LUCKY

MAY kwento pala sa likod ng nickname ni Luis Manzano na Lucky. Nakwento niya sa programa ng King of Talk Boy Abunda sa episode nung Mother’s Day ang tungkol sa kanyang pen name.  Esplika ng TV host/actor,  “One story kung bakit Lucky ang pangalan ko. My original name was supposed to be Nikolai. Nikolai dapat ang pangalan ko. Ang birth weight ko ay 7.7 so that’s one. Lucky seven daw,” panimula ng anak ni Ate Vi (Vilma Santos). Nung pinagbubuntis daw siya ng ina, kasalukuyang umaalagwa raw ang career ni Ate Vi kung saan kaliwa’t kanan umano ang pagtanggap ng award ni Ate Vi.  Yun din daw ang time na pumirma ang  Star of All Seasons ng 15-movie deal between three agencies na nakatulong para mabayaran daw ang P8 million na pagkakautang sa bangko.  Patuloy ni Luis,  “Noong dumating ako, noong nabuntis siya, that’s when the movies started coming in. All the awards, nag-ga-grand slam siya sa mga pelikula. Iyon, that’s why naging Lucky na ako.”  Nang maka- recover na raw ang ina sa mga pinagkakautangan nito ay naging wise na sa pera ang ina. Si Luis ay anak ni Ate Vi sa ex-husband na si Edu Manzano. Kinasal sila 1980 pero pakatapos ng dalawang taon na pagsasama ay naghiwalay na. 

May be an image of 1 person and text that says 'PERAL Wally PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally peraltawally58@yahoo.com 58@yahoo.com'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *