sa isang pambihirang pagkakataon…. MAG-INANG ZSA-ZSA PADILLA AT KARYLLE, RUMAMPA SA SANTACRUZAN

sa isang pambihirang pagkakataon…. MAG-INANG ZSA-ZSA PADILLA AT KARYLLE, RUMAMPA SA SANTACRUZAN

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL EAL NA YAN!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com @gmail.c'
Karylle marvels at 'sagala' experience with mom Zsa Zsa Padilla

SA pambihirang pagkakataon itong mag iinang singerist at aktres na sina Zsa zsa Padilla at anak nitong si Karylle ay naging Reyna Elena at Emperatriz sa kagaganap lang na Santakrusan sa Manila Cathedral, kung saan ay tila tumigil ang buong Intramuros sa kanilang pagrampa sa kalsada na tila bumalik sa panahon ng mga kastila. Tuwang tuwa ang mga nanuod sa parada ng Santakrusan lalo na mga dayuhan na di nila alam na ang Pilipinas ay may ganitong klaseng kultura at tradisyon.  Parang nasa Europa sila ng masaksihan ang engrandeng mga gown at alahas na sinuot pa ng kanilang mga ninuno nung panahong sakop pa ng Espanya ang Pilipinas.  Kahit mga ordinaryong mamayan ay dinumog ang pagrampa ni Karylle na talagang inabangan ng madlang pipol. Bumagay naman sa kanya ang sinuot na terno dahil mestiza naman ito at lalo na sa kanyang ina na lalong bumata sa kanyang pagiging Reyna Elena na kinamangha din ng mga nanuod ng Sagala sa Intramuros.

MS.UNIVERSE PHILIPPINES 2024, PRELIMINARY FAVORITES

MARAMING mga tagahanga ang ang nadismaya sa katatapos lang na preliminary competition ng Miss Universe Philippines 2024 na ginanap sa Manila Hotel, kung saan ay nagpatagisan sa kanilang swimsuit at gown competition ang mga kandidata. Dahil sa bawal ang kumuha ng picture at magvideo sa loob ng event, maging mga supporters na mga LGBT pinagbawalan  sumigaw, tumili at tumayo para magcheers sa kanilang kandidata. Pinagbawalan din kumuha ng picture o video.  Naging matunog ang pambato ng Quezon Province na si Ahtisa Manalo na sa pangalan palang ay panalo na sa halos lahat ng major o minor sponsors. Sumunod naman itong si IloIlo City na si Alexie Brooks na isa din sa mga paborito ng mga judges na humakot din ng mga awards. Di rin nagpatalo itong si Bacoor candidate na beterana na rin sa mga pageants, si Victoria Vincent Velasquez o triple V. Pati ang pambato ng Taguig na si Christi Lyn McGarry na ala dioza kung makarampa sa stage, fresh na fresh din itong ang mga kandidata mula sa Baguio, Palawan, Tacloban, Bulacan at iba pang tinaas ang kanilang bandera para makuha ang korona ng Miss Universe Philippines kung saan ay ang mananalo ipapadala sa Nobyembre sa bansang Mehiko.

Andrea Brillantes | Andrea brillantes, Andrea brillantes face, Filipina  actress

KYLE ECHARRI AT ANDREA BRILLANTES, MAGKASAMANG NAGBAKASYON SA BORACAY!”

Marami ang nagulat sa bakasyon ng hottest loveteam mg High Street na sina Kyle Echarri at Andrea Brilliantes sa Boracay kung saan ito namataan ng mga tagahanga na nakasuot ng seksing swimwear habang enjoy na enjoy na maligo sa malaparaisong dagat ng Boracay. Kung saan nga ay di makapaniwala ang mga faneys na ang kanilang iniidolo ay makasalamuha nila sa pinong white sand beaches. Dedma lang ang mga bida ng High Street, ang importante sulit ang kanilang vacation trip na nagpainit lalo sa mga turista lalo pa si Miss Glenda ang pasimono ng kanilang libreng live show upang ipromote ang Brilliant Skin na nagpapaganda sa isang Andrea Brilliantes at pati na din kay Kyle Echarri na talagang game na game maghubad at ipakita ang kanyang seksing katawan.

May be an image of 1 person and text that says 'PERAL Wally PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally peraltawally58@yahoo.com 58@yahoo.com'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *