SHERYL CRUZ, ITINANGGING MAY DYOWANG AFAM

SHERYL CRUZ, ITINANGGING MAY DYOWANG AFAM

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email Emailadd:artzy02@yahoo.com add:'
Sheryl Cruz, speechless after 'dreamboy' remark of Jeric Gonzales
Sheryl Cruz, may bagong 'the one;' nilinaw kung sino ang lalaking kasama  niya sa Turkey | GMA Entertainment

ISINIWALAT ni Sheryl Cruz na nag-propose sa kanya noon si Anjo Yllana taon 1990. Pero, naudlot daw ang kanilang pagpapakasal dahil nalaman niya noon na may nabuntis na ibang babae ang ex. Aminado rin siyang nasaktan siya sa naging breakup nila ni Anjo bago pa siya nagdesisyong manirahan sa Tate. “Actually, nagtampo ako sa kanya noon because he actually asked for my hand in marriage that time—before I left for the States and decided to actually try it there, and met Norman,” pa-throwback niya. “[Nagtampo ako] because he asked for my hand in marriage and I said yes, and then I found that he got somebody pregnant. So ‘di ba, kahit papaano [he] broke my heart,” dugtong niya. 

Sa Estados Unidos, doon daw niya na-meet si Norman Bustos, na magiging tatay pala ng kanyang anak na si Ashley Nicole. 2008 naman nang mag-divorce sila ni Norman. Kuwento pa niya, noong daw bumalik siya sa Pinas pagkatapos ng kanyang diborsyo ay sinikap pa nilang mag-reconnect muli ni Anjo. “Nagkaroon kami ng moment wherein we were able to see each other again, catch up on things, and tried to—I guess—have another go at it,”hirit niya.  Gayunpaman, tila hindi raw talaga itinadhana o ‘meant to be.’ Sa tsikahan kay Boy Abunda, tinanong din ng King of Talk kung nanligaw ba sa kaniya si Romnick Sarnenta.

Ayon kay Sheryl, batang-bata pa siya noon at hindi niya alam na sila ni Nikko (tawag niya kay Romnick) ang itinutulak na maging magka-love team. Bagaman niligawan umano siya ni Romnick, hindi raw niya ito sineryoso dahil iba ang prayoridad niya noon. Kasunod nito ay tinanong naman ni Tito Boy ang aktres tungkol sa post na Lovers in Istanbul na may kasama siyang foreigner. Unang ipinaliwanag ni Sheryl na kasama niya ang kaniyang pinsan nang mag-tour siya sa Turkey. Ang kasama sa trabaho ng kanyang pinsan ay ang dayuhang kasama niya sa larawan. Hindi raw niya dyowa ang afam at na-miscontrue lang ang kanyang post.

meets marvin agustin - diwata pares over fans page | Facebook

MARVIN AGUSTIN , PANTASYA NI DIWATA

Viral ang isang video na na-upload sa YouTube chanlel ng isang nagngangalang Salomo21. Sa nasabing clip, makikitang nakikipag-usap ang online personality at owner ng paresan na si Diwata kay Marvin Agustin sa phone. Buong akala ng iba ay humihingi ng tips si Diwata sa pagnenegosyo sa actor turned successful entrepreneur. Pero iba ang kinalabasan ng kanilang pag-uusap. Kilig na kilig si Diwata habang tsinitsika si Marvin tungkol sa possible meet-up nila. “Ano pong pag-uusapan natin? Sayang, pagkakataon ko na sana maka-kissing scene ka!” sey ni Diwata.

Kinakiligan naman ito ng mga taong nagpapa-picture sa kanya ang ipinamamarali ng paresan owner. Pero naudlot ang  pag-uusap ng dalawa dahil mahina ang signal sa kinarooonan ni Diwata. Samantala, sa nasabing video, sinabi rin ng social media sensation na bagama’t gusto niyang tanggapin ang mga nag-aapply sa kanya na maging empleyado sa kanyang paresan, hindi na raw posible iyon sa kasalukuyan. Hindi na raw kasi siya  tumatanggap dahil wala raw siyang maipapasuweldo sa mga ito. Masyado na raw kasing marami ang kanyang staff kaya hindi muna siya tumatanggap ng aplikante.

May be an image of 1 person and text that says 'P W Wall EL PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally peraltawally58@yahoo.com'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *