WHOLI-KA BLIND ITEM

WHOLI-KA BLIND ITEM

bwahaahahahaha…. SUPER SIKAT NA DRUG USER NA AKTRES NAKATIKIM NG MALUTONG NA MURA MULA SA ISANG SIKAT DIN AT MAGALING NA DURIGISTANG AKTRES

MAY dalawang sikat na aktres ang minsan, dahil sa isang isyu, ay biglang nagkaroon ng eksena ng tarayan, na lihim lang pinag-usapan sa showbiz, nang pabulong at palihim. Ang unang aktres ay sikat dahil sa dami niyang pelikula, na nagka-award dahil mahusay siyang aktres. Si pangalawang aktres ay sikat dahil marami siyang pelikula na kumita sa takilya kahit hindi naman siya mahusay talaga. Mahusay din siyang tv host. Ang unang aktres ay malalim ang pagiging aktres. Gumagamit siya ng droga, lalo na kung marami siyang raket na pelikula. Ang mga sikat niyang kaibigan sa showbiz ay alam na bumabatak siya. Kaya paiba-iba ang ugali niya.  Kilala ni pangalawang aktres ang mga kaibigan ni unang aktres, kaya alam niyang laging batak ang durugistang aktres. Minsan ay nag-abot sa office ng isang movie company ang ang unang aktres at si pangalawang aktres at naroon din ang mga kaibigan nilang sikat sa showbiz. Nang mapansin ni pangalawang aktres ang mahusay na aktres, ay buong ningning siyang nagsabi ng:  “Kumusta Ka Na? Blooming ka ngayon. ikaw naman kasi, Mag-stop ka na sa pagda-drugs mo!”  Hindi makapag-react ang mga tao sa paligid. Nasulyapan nila, medyo umangat ang puwet ng magaling na aktres mula sa pagkakaupo nito, at matalim ang mga mata na tinitigan ang pangalawang, sabay sabi nito ng: “Putang Ina Mooo!” Kasunod noon ay umupo ang unang aktres. Natameme ang pangalawang aktres. CLUE: nakupo, basta magaganda sila at halos magkasing edad.. Ding ang bato… Dali… Darna! BY: MELCHOR BAUTISTA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *