MAGKAANGKAS SA MOTORSIKLO TIMBOG SA ILIGAL NA BARIL AT HINIHINALANG DROGA

MAGKAANGKAS SA MOTORSIKLO TIMBOG SA ILIGAL NA BARIL AT HINIHINALANG DROGA

WALANG KADALA-DALA!
No description available.

NAKORNER ng mga operatiba ng pulisya ang dalawang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo na nagtangkang umiwas sa isang checkpoint kung saan nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga awtoridad na nauwi sa habulan at nagresulta sa pagkakaresto ng isang babae at isang lalaking rider na nahulihan ng baril at hinihinalang shabu na naganap sa Baytown Road Brgy Kalayaan, Angono Rizal kahapon ng umaga.

Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Jaber Lantod y Sarep, 37 anyos, may-asawa at tubong Butig Lanao Del Sur habang angkas niya na isang babae ay nakilala naman na si Reychell Lubaton y isama, 22 anyos, single, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Kalayaan, Angono, Rizal.

Batay sa ulat ng pulisya, habang nagsasagawa ng Oplan Sita sa isang checkpoint ang mga operatiba ng PHPT Rizal sa paumuno ni PSMS Dominador Aguillon nang parahin nila ang isang motorsiklong Suzuki smash na kulay pula sakay ang isang lalaking driver at pasahero niya na isang babae subalit sa halip na huminto ay patalilis na tumakas ang mga ito.

Dahil doon ay hinabol sila ng mga pulis at nakorner ang mga ito matapos ang maikling habulan na nagrewsulta sa pagkahuli sa lalaking suspek habang nagtangka pang tumakbo ang babaeng angkas na nabigo rin makapuslit sa mga awtoridad.

Narekober mula sa lalaking suspek ang kalibre 38 na baril na nakasukbit sa kanyang baywang limang bala at nang hanapan siya ng papel o kaukulang dokumento para dito ay wala naman siyang nailabas.

Wala rin umanong driver’s license ang suspek at nang halughugin ang kanilang mga gamit ay may narekober na isang heat sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isa pang heat sealed plastic sachet na naglalaman naman ng pinatuyong dahon ng marijuana., 3 empty plastic sachets at 3 lighters.

Inihahanda ngayon ang kaukulang kaso na isasampa sa mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *