MGA BAGONG REYNA SA KAPAMILYA NETWORK, HINDI PATITINAG

MGA BAGONG REYNA SA KAPAMILYA NETWORK, HINDI PATITINAG

May be an image of 1 person, harp and text
May be an image of 1 person
May be an image of 1 person

LUMIPAT si Bea sa GMA-7, nag-asawa sina Angel at Maja. Pero hindi nauubusan ang Kapamilya Network ng mga artista. Sa ngayon, ang mga itinuturing na mga bagong Reyna sa Dos ay nanatili sa network sa mga nagdaang panahon sa kabila ng mga naging problema ng ABS-CBN ay sina Angelica Panganiban, Anne Curtis, Kathryn Bernardo, Kim Chiu at Sarah Geronimo. Sila yong patuloy na mayroong mga napapatunayan sa kanilang kasikatan tulad ng hit movies, top-rated series, concert at product endorsements. Magaganda rin talaga ang imahe nila sa publiko, kaya buo ang tiwala ss kanila ng Network.May mga asawa na sina Anne, Sarah at Angelica, pero sikat na sikat pa rin sila hanggang ngayon. Nasa tamang edad na sina Kim at Kathryn para mag-asawa habang ine-enjoy pa rin nila ang kanilang kasikatan.Kahit pa sabihing binagyo ng matinding pagsubok na nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN ay wagi pa rin talaga sila sa patuloy na pagpapasikat ng mga Alaga nilang artista. Sumunod sa panahon nina Judy Ann Santos, Claudine Barretto at Kristine Hermosa ay umangat sina Angel Locsin, Maja Salvador at Bea Alonzo na naging Box-Office Queen pa, dahil sa mga patok nilang pelikula ni John Lloyd Cruz sa Star Cinema.

May be an image of 2 people, television and text that says 'PAN PANGOU EVA B AMILY N.UD AWILY'
May be an image of 2 people and text that says 'Eva Darren and Snooky Serna'

matapos maisnab sa Famas?EVA DARREN, INULAN NG MARAMING PAGKILALA MULA SA IBA’T-IBANG AWARD GIVING BODIES

MARAMI ang nagbubunyi para sa beteranang aktres na si Ms. Eva Darren dahil may iba’t-ibang grupo o samahan sa showbiz na naglalayon na magbigay-puri, respeto at mataas na pagpapahalaga sa kanya bilang mahusay na aktres. Isa sa naunang magbibigay ng parangal sa kanya ay ang Gawad Dangal Filipino Awards bilang Most Empowered Veteran Actress of the Year.Dapat bukal sa loob na tanggapin ni Ms. Eva Darren ang mga karangalang inihahandog sa kanya ngayon. Nauna ito, marami na talagang nagpaplano at usap-usap sa showbiz na bigyang-pagkilala ang mga beterana at beteranong artista dahil sa kanilang naging ambag sa industriya ng pelikula. Dapat tanggapin ni Ms. Eva ang mga parangal sa kanya. Kung hindi ngayon, kailan pa?Kasunod na magbibigay ng parangal sa kanya ay ang Eddy’s Group Of Entertainment Editors. Sa kanilang The 2024 Movie Icon Awards ay pararangalan si Ms. Eva, kahilera nina Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Gina Alajar. Pararangalan din si yumaong Direk Carlo J. Caparas. Ang parangal ay gaganapin sa July 7 at the Ceremonial Hall of the Marriott Grand Ballroom in Pasay City.

May be an image of 1 person, body building and beach
May be an image of 1 person and text that says 'Lance Raymundo'

LANCE RAYMUNDO, HINDI MAHILIG SA KUMPITENSIYA.

ILANG taon na rin sa showbiz si Lance Raymundo, pero hindi siya ang tipo ng artista na mahilig magpapansin o umeksena para maging kontrobersiyal. Isa siyang mahusay na singer katulad ng kanyang kapatid na si Rannie Raymundo. Kuntento na siya na napatunayan niya ang kanyang talent sa pagkanta, ganun na rin sa pag-arte dahil marami na rin siyang nagawang pelikula.May kaya sa buhay ang pamilya nina Lance, ay puwede naman siyang hindi mag-showbiz. Pero ayaw niya na laging ganu’n ang impresyon sa kanya ng mga tao sa showbiz. Ipinagpapasalamat na lang niya, na mula nung baguhan pa lang siya hanggang ngayo ay very supportive sa career niya ang kanyang kuya Rannie.Nagmo-model din si Lance, kaya madalas ay nakikita rin siya ng kanyang mga fans na umaapaw ang kaseksihan sa pictorial, lalo pa’t maalaga siya sa kanyang katawan at kalusugan. Naglalagare siya ngayon sa dalawang pelikula. May movie siya kasama si Derrick Monasterio. “Kasama din ako sa pelikulang ‘Sinag’ ni Claudine Barretto, kami nina MJ Lastimosa,” banggit ni Lance.

May be an image of 1 person and text that says 'Wally PERALTA ALTA ENTERTAINMENT EDITOR email add: peraltawally peraltawally58@yahoo.com'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *