DENNIS TRILLO, ‘PINATAHIMIK’ NI JENNYLYN MERCADO

DENNIS TRILLO, ‘PINATAHIMIK’ NI JENNYLYN MERCADO

May be an image of 1 person, harp and text that says 'Mel's S BY: MELCHOR BAUTISTA bautistamelchor066@gmail.com'
Jennylyn Mercado | 📽️🎞️ with my love 🥰 #EverythingAboutMyWife | Instagram

IBANG-IBA na talaga ang takbo ng buhay ni Dennis Trillo magmula nang magpakasal sila ni Jennylyn Mercado. Marami ang naninibago, pero puro makahulugang ngiti na lang ang ganting tugon ng mahusay na aktor kapag inuurirat siya ng mga kaibigang sobrang naninibago sa takbo ng buhay niya ngayon. Obviously, sineseryoso talaga ni Dennis ang pagiging pamilyadong tao niya ngayon. Two years old na ang anak nila ni Jennylyn na si Dylan Jade. Katuwiran niya ay hindi na siya bumabata, kaya habang nagpapatuloy ang maganda niyang movie career ay inspirasyon niya talaga ang pamilyang nabuo nila ni Jennylyn. Sobrang happy si Dennis sa suportahan nila ni Jennylyn sa isa’t-isa bilang mag-asawa. Bilib ang aktor sa kasipagan ng Kapuso actress, dahil talagang siya ang naghahanda at nag-aayos ng mga gagamitin ni Dennis kapag may taping o shooting ang Drama King ng GMA-7.  “‘Yong ganung ginagawa ni Jen, sobra kong naa-appreciate. Ang sweet,” sabi ng aktor. Dahil kay Jennlyn, ang layo na ni Dennis sa dating takbo ng kanyang lovelife na pinag-aawayan siya ng maraming babaing kanyang mga nakarelasyon noon.

Alden Richards Speaks Up About Dating Rumors With Kathryn Bernardo - When  In Manila
What you see is what you get': Alden Richards bares real score with Kathryn  Bernardo | Philstar.com

ALDEN RICHARDS, LYAMADO SA PUSO AT MGA FANEY NI KATHRYN BERNARDO

BILANG isa sa pinakamatagumpay na aktor ng kanyang henerasyon, nakatutok ngayon ang mga mata ng publikong humahanga kay Alden Richards kung ngayong nasa tamang edad na siya para mag-asawa, ay si Kathryn Bernardo na ba ang babaing aaminin niyang nagpapasaya sa kanya ngayon? Ang ganda naman kasing pagmasdan na makitang magkasama sina Kathryn at Alden, dahil sa mga pag-agapay sa dalaga ay mahahalata ang kakaibang pag-iingat niya kay Kath. Halata rin naman sa mga kilos ng nagwaging Best Actress ng Famas Awards 2024 na kumportable siya sa ginagawang pag-iingat sa kanya ng guwapong Kapuso actor. Hindi nauubusan ng trabaho si Alden, at mayroon din siyang mga negosyong pinagkakaabalahan. Puro udlot naman ang nagdaan niyang panliligaw sa ibang Kapuso stars. Kailangan din niya ng inspirasyon. May kakaiba siya ngayong tapang ng loob na ipakita ang kakaiba niyang saya kapag magkasama sila ni Kathryn, kaya maraming umaasam na magiging sila na nga.

David Licauco (@davidlicauco) • Instagram photos and videos

FOR DAVID LICAUCO, TIME IS GOLD

MABAIT na aktor si David Licauco, at habang patuloy siyang sumisikat ay nagiging kakambal ng kanyang image yong pagdadala niya ng kanyang personality na mukha siyang seryoso na naipagkakamali na siya ay isnabero. May lahi kasi siyang Intsik, at sa totoong buhay sa likod ng kamera ay isa siyang batambatang businessman. Iba’t-iba ang kanyang mga negasyo. Time is gold para kay David. Iba ang panahon niya para sa business, at iba rin ang panahon niya para sa showbusiness. Wala siyang panahong sinasayang kaya pansin na pansin sa kanya na seryoso siya sa anumang bagay. Sa career ay hindi nababakante si David. Mayroon siyang mga pelikula, at kasama siya sa teleseryeng “Pulang Araw” ni Direk Dominic Zapata na pinagbibidahan din nina Dennis Trillo at Alden Richards. The series will stream first on Netflix on July 26, three days ahead of the July 29 World Premiere on GMA-7.

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *