kaya no boyfriend since birth.. SANYA LOPEZ, INAMING NAHIHIRAPAN MAKAHANAP NG TRUE LOVE

kaya no boyfriend since birth.. SANYA LOPEZ, INAMING NAHIHIRAPAN MAKAHANAP NG TRUE LOVE

May be an image of 1 person and text that says 'Showbir PAMOR MORE BY: ROMMEL PLACENTE email add: rommelplacente530@yahoo.com'
Sanya Lopez on Instagram: “there is a shade of red for every woman”
Sanya Lopez (@sanyalopez) • Instagram photos and videos

SA interview ni Sanya Lopez sa Chika Minute sa 24 Oras, inamin niya na meron na siyang mga lalaking naka-MU o mutual understanding. Pero hindi niya pinangalanan king sino-sino ang mga ito. Lahat daw ay hindi nag-level up sa mas seryosong relasyon dahil sa nadiskubre niyang mga red flags.  “Ka-mutual understanding lang talaga sa akin, laging ganu’n lang. Lagi akong nandoon sa, feeling ko sasagutin ko na dapat siya pero biglang, ‘Ooops, wait lang,’” sabi ni Sanya. Pero anu-ano nga ang dahilan ng kanyang pag-urong,  “Medyo kapag nagiging masaya na ako masyado, ipinagpe-pray ko na ‘yan.Then after kong mag-pray, nakikita ko na agad ‘yung mga red flag, lumalabas ang red flags niya,”  Mga demanding din daw ang mga lalaking naka-MU niya kaya nate-turn off na siya agad at hindi na umaabot pa sa pagbibigay niya ng kanyang matamis na oo. “Laging ‘yun ang demand niya sa akin, time. Na ‘You don’t have time for me, parang lagi ka na lang work. Work, work, work.’ Part of it, feeling ko fault ko rin naman talaga na hindi ko mabigyan ng ‘yung isang tao ng oras because may mga pina-priority ako,” aniya pa  Ngunit para kay Sanya,  “If you really love someone, maiintindihan mo naman siguro ‘yung sitwasyon ko. And madalas kasi nagiging issue lang naman sa amin pareho is that hindi nila naa-appreciate ‘yung oras na ibinibigay ko sa kanila.” Ano naman ang pananaw niya tungkol sa pakikipag-date ngayon,  “Sadly ang nangyayari sa generation now, ‘yung dating is just like a normal na puwede kang makipag-date kung kani-kanino, nagiging normal na sa atin ‘yung mga dapat hindi natin ginagawa. “Ang hirap makahanap ng true love. That’s why natatakot ako pumasok sa relasyon, kasi feeling ko may seseryoso ba sa seryosong katulad ko?”  Samantala, naikuwento rin ni Sanya ang tungkol sa stalker niya noon,  “Nakakatakot siya. May moment na, hindi ko alam kung nanghuhula lang ba, ang galing niya kung paano…‘Nandito ka ano?’ Parang may ganu’n. Nakakatakot lang kasi, chat lang naman siya though. “Anytime, ‘May camera ba rito?’ Nakakapraning din minsan na parang, kunwari nasa labas ako, alam niya. ‘Nandito ka pala,’” kuwento pa ni Sanya..

House panel congratulates Belle Mariano for winning Seoul Drama award

Belle Mariano says 'courting stage' with Donny Pangilinan is 'ongoing,'  open to being paired with other actors

BELLE MARIANO, FEELING SEXY

SA pagdiriwang ng kanyang birthday noong June 10,ay hottest overload si Belle Mariano.  Hindi lang isa kundi series of sexy photo ang makikita sa Instagram post ni Belle. Bukod sa pagdagsa ng mga pagbati sa kanyang kaarawan, takaw-pansin din ang pagpapasilip ni Belle ng kanyang hita.  “I don’t know about you, but I’m feeling,” ang caption ng Kapamilya actress.    Ilan sa mga bumati sa kanya sina Maymay at Ivana Alawi. Samantala,after mamaalam.sa ere ang serye nina Belle at Donny Pangilinan na Can’t Buy Me Love,hiling naman ng kanilang mga fan ay sa big screen sila muling mapanood.Sana raw ay bigyan ng Star Cinema ng movie ang DobBelle 

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *