AIAI DELAS ALAS, DI KAYANG TIISIN ANG ANAK-ANAKAN NA SI JIRO MAÑO

AIAI DELAS ALAS, DI KAYANG TIISIN ANG ANAK-ANAKAN NA SI JIRO MAÑO

May be an image of 1 person and text
Jiro, binentahan ng cellphone si Ai Ai ...
Ai-Ai Delas Alas, naaalala si Jiro Manio tuwing makikita ang larawan ni  Madonna - KAMI.COM.PH
Ai Ai Delas Alas spends time with Jiro Manio on his birthday – ShowBiz Chika

SI Ai Ai delas Alas ang nagsilbing “alas” ng dating child actor na si Jiro Manio noong mawalan ito ng career sanhi nang pagdodroga. Si Ai Ai ang nagpasok sa kanya sa Isang rehabilitation sa Bataan, parte ng kanyang masalimuot na buhay. Hanggang sa naging mabuti na ang lagay ng buhay ni Jiro at siya’y nagsisikap mamuhay ng normal. Taong 2020, itinigil na rin ni Ai Ai ang kanyanl g komunikasyon at pagtulong sa dating child actor na kanyang nakasama sa box-office hit na pelikulang “Tanging Yamqn” ng Star Cinema. May paliwanag si Ai Ai kung bakit natigil ang kanilang communication sa kanyang ‘alaga’?. Halos walong taon na ring walang balita sa kanilang dalawa? Una rito, nakarating sa kaalaman ng  comedy actress na gumagamit umano ng marijuana si Jiro? Ani Ai Ai, “Pakiramdam ko (kasi) lahat ng binuhos kong effort, tulong, pangaral, suporta, natapon na lang. Nawala ako ng pag-asa, kaya di ko na siya pinansin . Ano pa ang magagawa ko?”, tanong ni Ai Ai. Subali’t nitong kasagsagan ng isyu nito sa Star Cinema, na siyang nag-produce ng Tanging Ina, natatanggap siya ng mensahe mula kay Jiro mula sa Facebook page ng actor. Sa una, kinukumusta ni Jiro si Ai Ai  at binebentahan niya ito ng cellphone dahil nangangailangan ito ng pera. P38,000 ang halaga ng cp. Bagama’t nakataas pa rin ang kilay, nabagbag ang damdamin ng komedyana. Baka nga nangangailangan si Jiro ? Bago pa ang alok na cp, nakarating din Kay Ai Ai na ibenenta nito ang kanyang Urian trophy Kay Boss Toyo sa halagang P75,000.  Kaya naman, dalangin din niya na magkaroon ng project o pagbigyan siya ng Star Cinema sa nais niyang magkaroon ng Tanging Ina, reunion  film?.

Ria Atayde (@ria) • Instagram photos and videos

FINALLY INAMIN NA NI RIA ATAYDE ANG KANYANG PAGDADALANG-TAO

NGAYONG selebrasyon ng “Father’s Day” kinumpirma ni Ria Atayde ang kanyang pagbubuntis sa asawang si Zanjoe Marudo. Sa kanyang Instagram post Ria greets Zanjoe ng Father’s Day. “To the dad you already are  and the dad I know  you’ll be, Love you @inlyzanjoemarudo, so excited for the new chapter  with you(emoji). Happy first Father’s Day “.

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *