dahil nahihirapan sa tamang spelling.. MGA FANEY NI KIM CHIU, IMINUNGKAHI NA GAWIN NA LANG AVELINO ANG KANYANG APELYIDO

dahil nahihirapan sa tamang spelling.. MGA FANEY NI KIM CHIU, IMINUNGKAHI NA GAWIN NA LANG AVELINO ANG KANYANG APELYIDO

May be an image of 1 person and text

Kim Chiu skydives from 13,000 feet in ...
Kim Chiu, Paulo Avelino find love in the workplace in 'What's Wrong With  Secretary Kim?' - Manila Standard
Why Paulo Avelino, Kim Chiu don't want to be treated as love team

INUUNGUTAN ng mga solid KIMPAU SI Kim Chiu na palitan na ang kanyang apelyido para hindi na ito ma-mispronounce sa tuwing ipapakilala o masulat ng mali ang spelling ng kanyang pangalan. Tumugon si Kim sa tanong ng isang faney sa X post nito kung ano ang masasabi nya dahil madalas na mali ang spelling at pag-pronounce ng kanyang apelyido. Humirit pa ito na palitan na lang nya ang kanyang apelyido. Sa newsfeed ng entertainment portal ng TFC News, mababasa na “Chu” ang nakatitulo sa article kaugnay sa success ng Dubai show ng KimPau. Ni-repost ito ng nasabing fan sa kanyang X post. Sey pa ni @angelkuno, “Anong feeling laging mali spelling ng surname mo? @princesschinita chu, chui..etc. etc. Palitan mo na lang kasi ng Avelino, its never wrong hehehe.” Sumakay naman dito si Kim dahil sa kilig marahil nito nang mabasa ang suhestyon ng fan. Pero hindi ito nagpahalata at nag-sentro sa reaksyon sa kanyang surname. Ani pa ni Kim, “Hahahaha. Basta nababasa basa sa naaayon. Ako parin yan! Tanong natin sa tatay ko, Iba iba ata sila e. Hahahaha. Chiu, Chui, Chu! Hihihi.” Sinawsawan naman ito ng ibang solids at sinabing gawing “Kimberly Avelino”, “Kim Chiu Avelino”, “Kim Avelino”. Halos mangisay naman sa kilig ang mga netizen sa ilusyon na magkakatuluyan ang dalawa. Sinusulat ang item na ito wala nang reaksyon pa si Kim at kahit naka-tag si Paulo, wapakels ito sa request ng fans.

Maine Mendoza on being linked to blind item about rude, snub host
Maine Mendoza : r/CelebsPH

MAINE MENDOZA, NAGMURA SA SOCMED?

ISANG basher ang minura si Maine Mendoza sa X na dating Twitter.Noong nakaraang June 11, 2024, nag-post si Maine sa X ng kanyang random thoughts tungkol sa mga taong nagkakasakit. Kaya pinakiusapan niya ang mga tao na huwag tanggalin ang suot na face masks kapag nagpapakuha ng litrato sa artista. Marami raw kasing public figures na nagsusuot pa rin ng masks kahit sa mga selfie para sa kanilang proteksiyon at hindi lamang para hindi sila makilala. Baka rin kasi masama ang pakiramdam nila at ayaw makahawa.

Sabi ni Maine, “Random thought dahil ang daming may sakit ngayon. People should stop asking anyone to take off their masks when posing for a photo. Some public figures wear masks in public for reasons beyond just avoiding recognition. Sometimes, some individuals opt to wear masks because they are unwell and prefer not to risk contracting or spreading a virus. Ang hirap magtrabaho nang masama ang pakiramdam kaya ingat always, fam.” Maraming netizens ang nagsabi ng “stay healthy” kay Maine. Pero ayun nga, isang netizen ang biglang nag-comment ng: “Put*ng I*a Mo*” In-screenshot ni Maine ang comment, pati ang pag-block ng nasabing basher sa kanya, saka ibinahagi sa X. Tinawag niya ang X user na “Roldan.” Sabi niya, “bakit parang kasalanan ko roldan” Aniya pa, “nasaan yung ‘po’ ???” Sabi niya sa huling post, “roldan paano” Ipinost din ni Maine ang screenshot ng description ng nasabing netizen sa kanyang sarili. Ayon dito, “I am Not A Perfect Person, But I Know How To Respect.” Binigyang-diin ni Maine ang katagang “But I Know How To Respect.” Samantala, ginawang katatawanan ng isang follower ang comment ni Roldan. Nagbahagi ito ng kaparehong screenshot ng post ni Maine at ang comment ng basher na nilagyan niya ng “po.” Saad ng netizen, “ayan na respectful na si roldan” Marami namang netizens ang natawa sa post.

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *