VILMA SANTOS, ALIW SA MGA PLANONG PAGTATRABAHO KASAMA SINA DANIEL PADILLA AT ALDEN RICHARDS

VILMA SANTOS, ALIW SA MGA PLANONG PAGTATRABAHO KASAMA SINA DANIEL PADILLA AT ALDEN RICHARDS

May be an image of 1 person, harp and text
Daniel Padilla remains a Kapamilya | PEP.ph
Alden Richards (@aldenrichards02) • Instagram photos and videos

NAPAKAAGA pa para pag-usapan ang tungkol sa pulitika, dahil consistent naman si Vilma Santos na hindi siya kaagad nagsasalita ng tungkol sa mga detalye hangga’t hindi pa talaga siya tiyak sa kanyang plano. Pero nanggaling sa pahayag ni Senator Ralph Recto, na baka tumakbo ulit Governor ng Batangas ang Star for All Seasons. Bakit hindi? Kung talagang mabubuo ulit ang plano ay marapat lang na kumandidato ulit sa pagka-Gobernadora si Vilma, dahil napamahal naman siya sa mga mamamaya sa Batangas, dahil maganda ang nagawa niya roon sa panahon ng kanyang panunungkulan. Pero sa ngayon, pinagtutuunan muna ng pansin ng premyadong aktres ang maraming plano tungkol sa kanyang movie career, dahil ilang pelikula ang iniaalok sa kanya para kanyang pagbidahan. Aliw si Vilma sa maraming plano na inilalapit sa kanya. Pero hindi siya nagmamadali, dahil gusto niya talagang makapili ng kahit isa munang project na magmamarka ulit sa mga tao. Gusto niya yong planong para sa kanila ni Judy Ann Santos, at aliw din siyang isipin yong plano rin silang pagsamahin sa movie ni Daniel Padilla, habang may posibilidad din na magkasama sila sa project ni Alden Richards.

Superstar Nora Aunor, mapapanood sa ...
Jo Berry reunites with Superstar Nora Aunor in 'Lilet Matias,  Attorney-at-Law' | GMA Entertainment

Nora Aunor is back on TV • The Market Monitor

NORA AUNOR, BALIK TELESERYE

NAPAKASIPAG talaga ni Nora Aunor kapag nasa magandang kundisyon ang kanyang kalusugan. Ilang araw siyang nag-taping para sa teleseryeng “Lilet Matias: Attorney At Law” ng GMA-7 kaya simula sa June 17 ay mapapanood ng ng kanyang mga tagahanga ang Superstar at National Artist sa nasabing teleserye. Marami pa namang natapos na pelikula si Guy na hindi pa naipapalabas sa mga sinehan, kaya masayang mapanood muna siya sa teleserye. Mundo rin niya sa paggawa ng mga panooring drama noon ang TV, kaya masaya ang premyadong aktres kapag gumagawa siya ng teleserye. Sa naunang plano ay may guest role lang daw si Guy sa “Lilet Matias…” pero marami ang naglalambing sa GMA-7 na habaan pa ang role niya sa nasabing serye. Sobrang simple talaga si Nora tungol sa pagdadala ng kanyang buhay. Sa tanong kung kailan nangyari sa buhay niya ang isa sa pinakamasayang sandali ng kanyang buhay, ay wala siyang binanggit tungkol sa naging tagumpay niya sa showbiz. Instead, ang sinabi ng Superstar, isa sa pinakamasayang sandali ng kanyang buhay ay nang isilang niya at una niyang makita si Ian de Leon nung baby pa lamang ito

Direk Joel Lamangan to create film VS Darryl Yap's 'Maid in Malacañang' |  Sagisag

DIREK JOEL LAMANGAN, ANG DIREKTOR NA JINGLE LANG ANG PAHINGA 

PAGKATAPOS ng panahon ng pandemya, at muling nagsimula ang movie industry sa pagbangon sa pamamagitan ng muling paggawa ng mga pelikula ay namumukod-tangi sa kanyang kasipagan si Direk Joel Lamangan. Kung ang ibang kahilera niyang mga tanyag na pangalan na mga direktor sa pelikula ay parang namamahinga muna na magdirek ng mga pelikula, nagpatuloy lang si Direk Joel. Ayaw ngang paawat ni Direk Joel, dahil habang mayroon siyang nilalagareng idirek na mga pelikula ay sumabak ulit siya sa akting. Siya si Roda sa teleseryeng Batang Quiapo kung saan nagmarka sa mga tao ang kanyang role. Dati na  siyang magaling na aktor noon bago nagdirek sa pelikula. Napakagaling ni Lamangan sa mga pelikulang “Himala,” “Working Girls,” “Twilight Dancers” at sa iba pa niyang sinalihang mga pelikula. Sunud-sunod din ang mga pelikulang pinamamahalaan ni Direk Joel sa mga proyekto ng grupo ng writer na si Dennis Evangelista. Isa ang pelikulang Huwag Mo ‘Kong Iwan sa bagong project ni Lamangan, starring Rhian Ramos, JC de Vera and Tom Rodriguez under Bentria Productions.

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *