KIM CHIU, INSPIRED DAHIL KAY PAULO AVELINO

KIM CHIU, INSPIRED DAHIL KAY PAULO AVELINO

May be an image of 1 person and text
Kim Chiu: 'Dumarating ang blessings na hindi inaasahan' | ABS-CBN News
Kim Chiu, Paulo Avelino to star in 'What's Wrong with Secretary Kim' PH  remake

SA Isang panayam Kay Kim Chiu  kaugnay ng kanyang ng kanyang bagong endorsement, naitanong sa It’s Showtime host ang tungkol sa bago niyang post kung saa’y makikitang kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Paulo Avelino habang nasa background ang Bulkang Mayon. Ani Kim sa kanyang post,        “May napa-jump shot Ako ngayong umaga(laughing emoji) nicewan @pauloavelino..” Ayon pa Kay Kim kuha ang larawang nila ni Paulo nitong June 19 o umaga nitong Miyerkoles sa Albany kung saan masisilayan ang Mayon Volcano. Nag-show daw sila ni Paulo sa Bicol ,sa Sorsogon at Agusan para pasalamatan ang kanilang mga fans sa success ng seryeng “Linlang” at Korean adaptation series na “What’s Wrong with Secretary Kim”. “Punong-puno ang buong plaza Nung mag-perform kami.” Sa kanilang province tour sa Bicol , nakilala na ba niyang lubusan si Paulo? “Oo naman”. Sabi pa ni Kim, natatawa naman daw si Paulo sa mga jokes niya. Si Paulo nga ba ang dahilan kung bakit mabilis siyang naka-move on at makalimutan ang break-up nila ng ex na si Xian Lim? “Ang bilis niyo po (sa balita) talaga.!” Ani Kim. Pahayag pa niya na things are getting better for the It’s Showtime host, “Siguro po nagkataon lang na yung mga mangyayari lately  at saka yung mga blessings na dumarating na hindi ko naman inaasahan.So, parang masaya naman.”. Sey ni Kim.

Ronnie Liang | Spotify

RONNIE LIANG, ISANG KEMBOT NA LANG CERTIFIED PILOT NA

PAGKATAPOS ng Ilang taong pag-aaral ng kurso sa pagpi-piloto,  Isang kembot na lang at mararating din ng singer ang pagiging full-pledge Pilot. Sa panayam ng Ilang press last June 19, Wednesday, ,sinabi ng singer-pilot na si Ronnie Liang. “Recently after numerous sleepless nights ko para sa knowledge exams ng Civil Aviation Authority, of the Philippines (CAAP),,bale ten subjects yun, matapos ko na. “And by the grace of God , matapos ang ilang gabing pagpupuyat dahil gusto ko pong pumasa. Pasalamat ako sa aviation school ko kung saan ako nag-training,ang Philippine Space Aviation Academy, sila po talaga ang nagbigay ng lectures para makatulong para pumasa..” Dedicated talaga si Ronnie na sundan ang pangarap na maging Isang Pilot. Continuous ang kanyang pagri-review para makatapos ng kurso. “Ang goal  ko talaga is makapasok sa airline(company) and at the same time matapos  ko yung PhD(Doctor of Philosophy).” Panalangin niya sa Poong Maykapal, maitawid Niya ang ginagawang tiyaga at pagsisikap. “Kung saan Ako dadalhin ng Diyos . Kunng sang airline ako mapunta. Gagalingan ko, I will not fail them. I will make them proud of me.”dasal ng singer and would-be Pilot soon. And your fans and supporters will be proud of you too. Good luck,Ronnie!

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *