SHARON CUNETA, NAGIGING ‘TIGRE’ PAG KINANTI ANG MGA ANAK

SHARON CUNETA, NAGIGING ‘TIGRE’ PAG KINANTI ANG MGA ANAK

May be an image of 1 person, harp and text
Kiko Pangilinan pens heartwarming Mother's Day message for Sharon Cuneta |  GMA News Online
Sharon Cuneta calls her four children 'the only people I would die for'

PALABAN palagi si Sharon Cuneta kapag sa social media ay sobra-sobrang pagkanti o panlalait na ang nararanasan ng kanyang mga anak na sina Frankie at Miel Pangilinan. Pero kahit naman nu’ng ipanganak ng Megastar si KC Concepcion ay sinabi na rin niya, na magiging parang tigre siya sa tapang kapag kinanti ang kanyang anak. Hanggang ngayon ay nagugulat pa rin si Sharon dahil sobrang panlalait naman sa social media ang kalakaran ngayon. Hindi rin matanggap ni Shawie nitong huli ang panghamak ng mga bashers kay Miel, habang todo-puri naman sila kay KC Concepcion. Kinukuwestiyon din ng mga bashers na nasa pagpapalaki daw iyon dapat ni Sharon para hindi nagmimistulang wild si Miel. Ipinagpapasalamat na lang ni Sharon, na kahit nakakaranas sina Frankie at Miel ay matatapang sila sa mga intriga. Kesa sobrang maapektuhan ang Megastar, ay pinaghahandaan na lang muna niya ang kanyang pagbabalik-telebisyon, hindi musical kundi heavy drama at makakasama niya ang Daytime Drama Queen na si Julia Montes under Dreamscape Entertainment.

Xian Lim moves on from good guy roles | The Manila Times
Xian Lim is now officially a Kapuso

XIAN LIM, LUMAYLAY ANG KARIR

GRABE ang suporta kay Paulo Avelino ng mga fans ni Kim Chiu. Malaking tulong ang maganda nilang chemistry dahil sa pagsasama nila sa mga teleserye. Napatunayan din ng mga fans ni Kim na maalaga ang guwapong aktor bilang kapareha ng kanilang idolo, kahil magkaibigan lang sila noon, dahil karelasyon pa ng chinitang aktres si Xian Lim. Tumiwalag ng suporta kay Xian ang mga fans ni Kim. Malaki ang epekto noon kay Xian, dahil napatunayan ngayon na laylay ang kanyang career nang mawala ang nasabing suporta. Mahina sa takilya ang kanyang pelikulang “Playtime” at hindi rin nila pinapanood kapag may Mall shows ang ex-boyfriend ng idol nila. Hindi puwedeng kuwestiyonin ang dami ng mga fans ni Kim sa buong Pilipinas, dahil maganda ang kanyang image. Dahil sa kabaitan ni Paulo kay Kim ay dinudumog siya ngayon ng mga tao saan man siya magpunta. Kasama na roon ang pag-asam ng mga fans, na sana nga ay may relasyon na ang dalawa.

Ai-Ai delas Alas - Wikipedia
Ai Ai delas Alas takes on challenging role in 'Litrato' – Tempo – The  Nation's Fastest Growing Newspaper

AI-AI DELAS ALAS, DI NA FEEL ANG GAWIN NG ‘TANGING YAMAN: THE REUNION” MOVIE

KUNG naunsiyami man ang plano ni Ai-Ai Delas Alas na magprodyus ng pelikula sosyo sa Star Cinema para gawin sana ang “Tanging Ina, The Reunion” ay mayroon pa naman siyang pagpipilian, halimbawa’y sa GMA Films ay ibang movie na lang ang gagawin. Negosyante rin naman si Ai-Ai dahil sa dami na rin ng negosyo na kanyang sinubukan. Lumakas ang loob ng mabait na komedyana na mag-produce ng pelikula, dahil mayroon siyang kaibigan sa ibang bansa na willing sumabak din mag-produce ng pelikula. Kasama sa intensiyon ni Ai-Ai kaya gusto niyang mag-produce ng pelikula ay hindi lamang yong magandang layunin na matulungan ulit si Jiro Manio na magkaroon ng project at kumita at mabalikan ulit ang career ng mahusay na aktor. Kasama na rin sa maganda layunin ng mabait na aktres, na patuloy niyang matulungan ang ilang institusyon na bahagi ng dati na niyang pagkakawang-gawa.

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *