bago kunan ang kanilang intimate scene.. BARBIE FORTEZA, BINUKING NA NANGHINGI NG TOOTHPASTE SI DAVID LICAUCO SA KANYA

bago kunan ang kanilang intimate scene.. BARBIE FORTEZA, BINUKING NA NANGHINGI NG TOOTHPASTE SI DAVID LICAUCO SA KANYA

May be an image of 1 person and text
Barbie Forteza (@barbaraforteza) • Instagram photos and videos
Barbie Forteza and David Licauco look fresh in their first endorsement  shoot together | GMA News Online

PAGKATAPOS mapanood sa dalawang serye na Mara Clara at Ibarra at Maging Sino Ka Man ang loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco na kilala sa tawag na BarDa,ngayon, ay sa mgs sinehan naman sila mapapanood via That Kind of Love, mula sa Pocket Media Productions Inc., at sa direksyon ni Catherine O. Camarillo Sa nasabing pelikula, gaganap si Barbie bilang si Mila na isang dating coach. Hahanapan niya rito ng magiging special someone ang mayamang businessman na si Adam (David). Pero ano’ng mangyayari kung ang love coach ang siyang ma-fall? Para kay Barbie, ibang BarDa ang mapapanood sa pelikula.. Sabi ni  Barbie, “Dito, I would say na nag-level up talaga kami ni David in terms of sophistication ng acting, maturity. Yung styling namin, ginawa nilang very close to K-drama. Even sa character—palagi kong sinasabi na ito ang pinaka-sophisticated role na ibinigay sa akin. Kahit yung hitsura ko, iniba namin. Pinadalaga namin. And also, nag-level up kami kasi ang taas ng production value ng pelikulang ito. Kami rin, in return, ni-level up namin ang approach namin sa project na ‘to. Mas pampelikula. Yung hindi mo mapapanood sa TV, yung worth it na kitain.” Sa That Kind  Love ay may intimate scenes ang BarDa. Nang tanungin kung paano nila iyon pinaghandaan, natatawang sagot ni Barbie,  “Yun, manghihiram siya ng toothpaste. Isang beses, pumasok sa stand by area ko ang make-up artist ni David. May toothpaste ka ba diyan? Kailangan daw ni David,” pambubuking ni Barbie kay David. “Yung mga ganun, which I appreciate naman. Siyempre, ang hirap ng intimate scenes, tapos may ganun. And siyempre, pinag-uusapan namin kapag masyadong intimate ang eksena. Pinag-uusapan namin para kumportable kami all throughout ng eksena,di ba?” Ang That Kind of Love ay showing na ito sa mga sinehan simula sa July 10.

Headturner: Stunning photos of Lorin Bektas | GMA Entertainment
Headturner: Stunning photos of Lorin Bektas | GMA Entertainment
Venice Bektaş (@venicebektas) • Instagram photos and videos

LORIN AT VENICE GUTIERREZ, PABOR NA PABOR KAY BISTEK PARA SA KANILANG INA

FINALLY, inamin na ni Ruffa Gutierrez ang relasyon sa dating mayor ng QC at aktor na si Herbert Bautista.Sa guesting kasi niya sa vlog ni Karen Davila,kasama ang dalawang anak na sina Lorin at Venice, diretsahang tinanong siya nito ng “So, it’s serious (relasyon) with Herbert (Bautista)?” Nabigla si Ruffa sa tanong, sabay sabing, “Grabe ka pinagpawisan ako! It’s always serious with him.” Tinanong naman ni Karen si Lorin kung gusto nitong mag-asawa ang ina. “I don’t want anything specific for her. I want her to be happy and whatever that looks for her being alone with 80 cats (nag-reak si Ruffa sa being alone at 80 cats, baka puwedeng dogs). “If it’s getting married or a having long-time partner whatever that looks for her, I just want her to be happy. So, I never really thought too much about. Me and my sister don’t get too overly involved,” sagot ni Lorin. Si Venice naman ang tinanong ni Karen kung ano ang take nito kapag may dine-date na guy ang kaniang mommy. Sabi ni Venice, “Well, I’m sure me and Lorin made side comments at a start. My mom usually had a good judgment on picking who’s right for her and who’s wrong. Her current partner now, he’s lovely, he’s a nice guy, he suits her really well, and she is ecstatic about him. Of course, I’m very happy for and again if she’s happy, we’re happy,”  Ibinuking naman ni Lorin na matigas ang ulo ng mommy nila pagdating sa lovelife nito kaya lagi silang nag-aaway ng lola Annabelle Rama nila. “You Like him (Herbert)?” Tanong ni Karen sa dalawang dalaga “Yeah we do,” sagot ni Lorin. “I do he’s very funny,” say naman ni Venice.

Isa pang tanong kung sakaling magpakasal sina Ruffa at Herbert. Sagot kaagad ni Lorin, “get married abroad so you can get a divorce!” Pero humirit ang dalaga na gusto niyang maging bridesmaid pag ikinasal ang mommy niya at nabanggit pa na dapat magkaroon din ng pre-nuptial agreement bilang proteksyon at hindi lang sa mommy niya kundi in general lalo na sa mga kababaihan. Sa comedy series na The House Arrest of US nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nagka-developan sina Ruffa at Herbert kung saan gumanap sila bilang magulang ni Kat. Sa first date nina Ruffa at Bistek ay pinasama ng huli ang mga anak ng una para raw magkakilanlan sila. “They were included on our first date. Very proper. Sinundo kami sa bahay, tapos sinama ‘yung mga anak ko. Sabi niya, I wanna meet them and to make sure that they’re okay with him and everyone is comfortable’ and that was Christmas time,” pag-amin ng mommy nina Lorin at Venice. Say ni Venice, “honestly, just seeing our mom with him. She was just so happy.” Sinaway na ni Ruffa ang anak, sabay sabing, “enough, too much information.”

Ruffa Gutierrez | Facebook
May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *