noong first day na nakatrabaho ang aktres… DAVID LICAUCO, INAMING ‘NANGAPA’ KAY BARBIE FORTEZA  -BET DIN MAGSOLO

noong first day na nakatrabaho ang aktres… DAVID LICAUCO, INAMING ‘NANGAPA’ KAY BARBIE FORTEZA -BET DIN MAGSOLO

May be a graphic of 1 person and text
Barbie Forteza, David Licauco step into uncharted territory - Manila  Standard
Big shoes to fill for David Licauco, Barbie Forteza - Manila Standard

HINDI lingid kay David Licauco na magaling at award-winning actress si Barbie Forteza. Katunayan, itinuturing niyang lodi pagdating sa acting ang kanyang love team partner. Dahil likas na mahiyain, noong una raw ay nangapa siya nang makatrabaho ang premyadong actress. “Noong una talaga, hirap ako kasi mahiyain ako pero she made me feel na… mawala iyong fears o inhibitions ko na hindi maka-deliver, hanggang sa nabuo iyong BarDa.She made me feel comfortable working with her,” salaysay niya. Dagdag pa niya, marami rin daw siyang natutunan bilang actor sa Kapuso actress. “She’s a very generous actress. Kapag may mga eksena kami, pinag-uusapan namin and she gives suggestions on how to do the scene.She’s very supportive,” bulalas niya. Dahil sa pagsasama nila sa mga seryeng  “Maria Clara at Ibarra”, ” Maging Sino Ka Man” at sa upcoming historical TV series na “Pulang Araw” sa GMA-7, maituturing daw niyang malalim na ang pundasyon ng kanilang tandem. Hindi rin niya ikinaila na bet niya na mas tumagal pa ang kanilang love team. So far daw naman ay wala siyang nararamdamang ‘sawa factor’  pagdating sa pakikipagtrabaho kay Barbie. “So far, wala naman.Depende pa rin naman iyon sa fans. Nasa kanila naman iyon kung magsasawa sila o hindi. Kami naman, ginagawa namin ang best namin,” paliwanag niya. Aminado naman siyang bet din niyang magkaroon ng solo project outside of BarDa pero naniniwala siyang darating ito sa takdang panahon. “Oo naman.As an actor, we want that. But not right now.Dito muna tayo sa present at sa love team, sa pelikula naming “That Kind of Love”, hirit niya. Natanong din namin siya kung handa siyang kumasa sa challenge na humiwalay sa BarDa para naman maiba. “Di ko alam actually kasi di ko pa siya napi-face. I don’t know. I think, it’s (BarDa) my comfort zone as of the moment.Ang dami ko nang ginawang uncomfortable decisions sa buhay ko, sa pagnenegosyo, maraming uncertainties. I think I’m in my comfort zone and this is what I want to be at the moment,” esplika niya. Hindi rin daw niya nakikita ang sariling nalilimitahan ang potensyal just because siya ang favorite love team partner ni Barbie.

“I don’t see na we are kulong o nakukulong as a love team kasi kung gusto naman naming magtrabaho outside of the love team, for sure naman okey lang iyon. Kahit na kay Barbie, okey iyon, ” aniya.” I think we’re just very blessed na nabibigyan kami ng opportunity together.Depende pa rin naman iyon sa network if they trust us,” dugtong niya. Kung dati raw ay napipikon din siya kapag naba-bash ng detractors sa kanyang acting, ngayon daw ay dedma na lang siya. Sa halip, nagiging motivation daw ito para pagbutihin pa niya ang kanyang craft. “Entitled naman sila sa opinion nila pero okay lang naman sa akin, kasi immune na ako. Besides, puwede ko naman siyang maging motivation and treat it as a challenge,” pagwawakas niya. Sa “That Kind of Love”, ginagampanan ni David ang papel ni Adam o Mr. Perfect, CEO ng malaking shipping company na inatasan si  Milagros Maharlika, (Barbie) isang dating coach at psychologist para tulungan siyang  hanapin ang babaeng magpapaibig sa kanya. Pero, ano ang mangyayari kung may ibang balak si Kupido para sa kanilang dalawa? Ito ay masasagot sa kilig movie ng taon na idinirehe ni Direk Catherine ‘CC’ O. Camarillo mula sa iskrip ni  Ellis Catrina. Ang “That Kind of Love ” ay naging Spotlight Entry at Awardee sa ginanap na Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan noong Mayo. Mula sa produksyon ng Pocket Media Productions, Incorporated at Pocket Media Films sa pakikipagtulungan ng Happy Infinite Productions , Inc. Tampok din sa pelikula sina Al Tantay, Arlene Muhlach, Jef Gaitan, Divine Aucina, Ivan Carapiet at Kaila Estrada. Ang first movie team up ng kinakikiligang BarDa na ini-release ng Regal Entertainment ay mapapanood na sa buong bansa simula sa Hulyo 10.

Arci Munoz (@Ramonathornes1) / X
Arci Muñoz - What is yer daily routine?:) #viplife | Facebook

ARCI MUÑOZ, BEST FILIPINO ACTRESS SA JINSEO ARIGATO INT’L FILMFEST 2024

HANGGANG ngayon ay parang nasa Cloud 9 pa rin si Arci Munoz dahil sa pagkapanalo niya ng best international Filipino actress award sa idinaos na Jinseo Arigato International Film Festival sa Nagoya, Japan. Aniya, malaking boost daw sa kanyang career ang nasabing award. “For me, it’s such an inspiration. It’s the first ever recognition for the craft that I really, really love to do. And wala po akong nakikitang pwede ko talagang gawin in my lifetime other than acting and being an actress,” bungad niya. “And to be recognized, internationally, ito yung una kong award mula nang maging artista ako, like first ever, so I am so happy!” dugtong niya. Hirit pa niya, nasulit din daw ang hirap na dinanas niya habang ginagawa ang movie. “Feeling ko, lahat nang efforts namin habang ginagawa ang movie, nag-pay off.Dami rin kasi kaming pinagdaanan like nawalan ako ng luggage, nagkasakit ako. Literally, pinahiram ako ng underwear para matuloy ang shoot,”pagbabalik-tanaw niya. Pinasalamatan din niya ang kanyang mga magulang at director sa naging tagumpay ng pelikula. *Nu’ng tinawag ang name ko, I was kinda emotional kasi nandu’n din yung mom ko. Kasi sila yung guiding force ko, my family, my mom and my dad, especially who’s now in heaven,” aniya. ” I would like to share also this award kay Direk Njel for his vision. It would not have been possible na matapos namin iyong movie kundi sa perseverance and hard work din ni Direk and his wife Jan,” pahabol niya.

Sey naman ni Arci, ginanahan daw siya sa kanyang pagkapanalo to do more collaborations. Nanghihinayang naman si Arci dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makatrabaho ang magaling at award-winning actress na si Cherie Gil. “She’s one of the respected actresses that I look forward na makatrabaho.Kaya nga, noong nalaman ko na she died of cancer, nalungkot talaga ako. Na-depress ako kasi fan niya ako,” bulalas niya. Isa pa raw sa mga female celebrities na bet niyang makatrabaho at siguradong mai-starstruck daw siya kapag nakita at nakasama niya nang personal ay ang Broadway diva na si Lea Salonga. “My second idol that like I’m gonna freak out when I see her is Ms. Lea Salonga. Ha-hahaha! Yung hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko siya. Baka matutulala talaga ‘ko at hindi makapagsalita,” deklara niya. Faney na faney niya ako. Mahilig kasi ako sa fairytale and she’s a Disney Princess. And wow! She sings so well and parang there’s only one Lea Salonga,” dugtong niya. Dahil may ipagmamalaki namang singing voice, pantasya rin daw niyang maging Disney Princess.  “I think I can relate to all the  Disney Princess. Pero kung isa lang I wanna be Mulan because she’s Ms. Lea,” sey niya.

Among the male stars sa local showbiz industry, gusto raw niyang makatambal ang Kapamilya Primetime King na si Coco Martin at ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.  Winning movie ni Arci ang “Malditas in Maldives” kasama sina  Kiray Celis at Janelle Tee.  Bukod sa nabanggit na pelikula, naging patok din sa Jinseo Arigato International Film Festival ang “Mama ‘San?” na pinagbibidahan ni Shaneley Santos. Gumawa rin ng ingay ang kakaibang thriller na tulad ng “Coronaphobia” starring Daiana Menezes and Will Devaughn.  Libre namang napanood  sa festival ang “Creepy Shorts Anthology” at ang 1st Prize Don Carlos Palanca Award-winning film na “Subtext” starring Paolo Contis, Ciara Sotto at Ely Cellan.  Nakapasok rin sa official selection category ang “Must Give Us Pause” na isang matinding drama story tungkol sa mental health.

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *