RHIAN RAMOS, HINDI ATAT PAKASAL

RHIAN RAMOS, HINDI ATAT PAKASAL

May be an image of 1 person, harp and text
Rhian Ramos
Rhian Ramos (@whianwamos) / X

NASA tamang edad na rin ngayon si Rhian Ramos para mag-asawa. Pero wala pa siya sa sitwasyon na dapat siyang magmadali. Pero pangarap din naman niya ang maikasal. Dahil taglay din naman niya ang kagandahan na pinagpapantasyahan ng nga kalalakihan. Hindi siya nauubusan ng manliligaw. Dahil nga si Rhian ay hindi nagmamadali na maikasal, pero ilan na rin ang kanyang nakakarelasyon, hayag man o hindi hayag. Kaya napapagkamalan din siyang Playgirl. Pero depensa naman ng magandang aktres ay lagi naman siyang seryoso sa pakikipagrelasyon, kaya lang ay mahirap talaga ang magplano ng tungkol sa kasal habang nakapaloob pa kayo sa isang relasyon na kinikilala nyo pa ng lubos ang isa’t-isa. Magaling din si Rhian magbalanse ng movie career at lovelife. Napagsasabay niya at walang naaapektuhan. Masipag siya sa career, patuloy na nagbibida sa mga teleserye at pelikula. Hindi rin niya istilo ang magpakontrobersiyal para mapag-usapan. Happy din ang magandang aktres, dahil may award man o wala ay napatunayan na niya sa showbiz na magaling din siyang aktres. Napansin noon ang kahusayan niya sa pelikulang “Silong” kasama si Piolo Pascual.

Tom Rodriguez returns to acting with 'Magpakailanman' episode | GMA News  Online
Tom Rodriguez (@akosimangtomas) • Instagram photos and videos

TOM RODRIGUEZ NAGSISIMULA ULI SA SHOWBIZ

MARAMI sa mga kaibigan at kakilala ni Tom Rodriguez sa loob at labas ng showbiz ang natutuwa, dahil positibo naman ang naging pagbabalik-showbiz ng guwapong aktor. Nagpaparamdam ulit ang marami niyang fans, palatandaang hinintay nila pagbabalik na ito, kaya sumabak na ulit sa pelikula at teleserye ang kanilang idol. Nagpahayag na rin naman si Tom na mayroon na ngang bagong nagpapasaya sa kanyang buhay, pagkatapos ng dinaanan niyang kalungkutan sa naging kontrobersiyal na paghihiwalay nila ni Carla Abellana two years ago. Dapat klaro lang at maiksi ang maging sagot ni Tom sa muli niyang pagharap sa press bilang tuldok sa isyu ng pag-uugnay sa kanilang dalawa ng tisoy na model na si Clint Bondad, dahil magreresulta iyon lalo para kuwestiyonin ang kanyang gender. Iwasan na rin niyang magpainterbyu tungkol kay Carla Abellana, para tahimik na ang isyu at magpatuloy na lang siya sa mga proyektong dumating sa kanyang career ngayon.

JC de Vera Fan Casting

JC DE VERA, CONSCIOUS SA KANYANG KAGUWAPUHAN

MINSAN talaga, depende sa nakalaang suwerte ay nagkakaroon din ng positibong resulta ang paglipat ng mga artista mula sa isang network patungo sa kalabang network. Katulad ng nangyari sa movie career ni JC de Vera nanggaling siya sa GMA-7 at lumipat sa ABS-CBN. Natatawa na lang si JC, dahil noon ay maraming nagmamalasakit sa kanya at nagsasabing sa dami ng mga alagang baguhang artista ng Kapuso network ay parang one of those lang siya ng mga kailangan pang mapansin. Hindi hanggang doon lang ang pangarap niya. Sa kanyang paglipat sa Kapamilya network ay napasama siya sa magagandang teleserye at nagpatunay na may ibubuga siya bilang seryosong aktor. Maamo ang mga kamera kay JC dahil ang guwapo niyang palagi habang umaarte. Maalaga din naman kasi siya sa kanyang hitsura, dahil para ss kanya ay importante sa mga artista ang hitsura na maging kaaya-ayang panoorin ng mga tagahanga. Si JC ay isa sa mga bida sa pelikulang “Huwag Mo ‘Kong Iwan” bida rin sina Rhian Ramos at Tom Rodriguez under BenTria Productions, Directed by Joel Lamangan.

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *