
TATLO katao ang namatay matapos araruhin ng isang trailer truck na sinasabing nawalan ng preno ang isang AUV, 2 motorsiklo at isang kotse sa bahagi ng Batasan-San Mateo Road sa Quezon City kagabi.
Batay sa ulat, naganap ang naturang insidente bago mag-alas dose ng hatinggabi nang diumano’y biglang kumalas ang kapit ng preno ng minamanehong truck ng 38 anyos na driver nito na naging dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa pagtakbo at inararo ang nabanggit na mga sasakyan na nagresulta sa pagkamatay ng mga biktima.
Naging sanhi naman ng mabagal na pagdaloy ng trapiko ang naturang insidente sa bahaging iyon ng kalsada habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Agad namang naaresto ang suspek na driver ng trailer truck.