Sa sobrang saya ni Sofronio Vasquez,ang 26th season winner ng The Voice U.S.A ay napaluha na lamang ito sa kanyang kauna unahang konsiyerto kung saan ay napili nitong magtanghal sa kanyang minamahal na kapwa kababayang mga bisdak na malapit sa kanyang puso ang Cebu na Queen City of the South.
Dinagsa ang naturang konsiyerto kesehudang inabot ng siyam siyam ang mga nanuod sa pagpunta sa bonggang Waterfront Cebu dahil sa halos sarado ang mga kalsada at tinaon pa sa bisperas ng Sinulog 2025 kaya kahit pagod at super stress ang mga audience ay balewala lamang sa kanila ang mahalaga ay makita ng personal ang kauna unahang Asian na nanalo sa The Voice.
Sa simula pa lang ng kanyang performance ay todo todong binigay na ni Sofronio Vasquez ang kanyang buong efforts lalo na sa kanyang mga pinanalong mga kanta sa kontest kung saan ay nauwi nito ang ilang milyones na papremyo.
Proud na proud naman ang kanyang manager dito sa Pilipinas na si Aida Patana ang tulay kung bakit nasa Pinas si Sofronio,Si Aida Patana lang naman ang kanyang pinsan na isang producer ng mga show sa buong siudad ng sugbo at take note todo todong effort ang kanyang ginawa para lamang mairaos at matawid ang blockbuster highest selling first ever concert dito sa buong kabisayaan kaya tiba tiba at tubong lugaw ang mga organizer ng naturang concert.
Di naman binigo ni Sofronio Vasquez ang mga bisaya at nangako itong babalik ulit sa Pilipinas pagkatapos ang ibat ibang guesting nito sa Its Showtime at Asap kung saan nagsimula ang kanyang karera bilang singer kahit di pa ito napili ng mga judge noong nasa Tawag ng Tanghalan ng Its Showtime.
In fairness malayo pa ang mararating ni Sofronio lalo pa todo todo ang suporta ng kanyang The Voice coach na si Michael Buble na kaibigan ng megastar na si Sharon Cuneta at napabalitang ex ni Kristine Hermosa kaya isa ito sa dahilan kung bakit malapit sa puso ng pinoy ang Canadian singer na si Michael Buble lalo pa ito din ang kanyang unang panalo bilang isang judge sa The Voice USA.