
P’S TALK by PILAR MATEO
NAPANSIN ko agad ‘yung nakalagay na signage sa entablado sa Viva Café, ‘Battle of the Braless’ na isa sa mga laro ng pinakabagong gag show na hino-host ni Janno Gibbs, ang ‘Wow Mani!
Nag-premiere ito sa VMX last January 7, at mapapanood ito every second Tuesday of the month.
Makakasama ni Janno sa nasabing show sina Jenn Rosa, Denise Esteban, Zsara Laxamana, Chloe Jenna, Sunshine Guimary, Krista Miller, Yda Manzano, Skye Gonzaga, Salome Salvi, Christy Imperial, Sahara Bernales, Ada Hermosa, Candy Veloso, Lea Bernabe, Aliya Raymundo, Angeline Aril, Jonica Lazo, at Sheena Cole.
Kasama din ang mga gwapong hunks na sina Nicco Locco at Aerol Carmelo.
Ang malikot na isip ni Dominador Isip III ang nagmamaniobra sa mga eksena at laro. Maiinit na skits, mapangahas na humor at tawanan. May 12 episodes ng inilatag sa unang season nito.
Garantisadong magbibigay ng sexy dose of fun sa iyong panonood ang laugh fest na ito.
May dalawang nakakatuwang karakter na ginagampanan si Janno: si ‘Injanno Jones’, isang adventurous na explorer, at si ‘Janno Depp’, isang quiz master.
Pasabog na segment ng show ay ang ‘Battle of the Braless’.
Ayon sa host ng show, isang nakakatawang laban kasama ang mga kaakit-akit ngunit clueless na university students ang magpapatunay na pwedeng mabiyayaan ng parehong talino at ganda… minsan.
Mapapanood naman sa ‘Injanno Jones’ ang mga adventures at kalokohan ng isang self-proclaimed genius at explorer.
Sa ‘Tricky Girl’, isang sexy host ang maghahatid ng mga tricky and witty questions sa kalye, na tiyak na magbibigay ng maraming tawa at awkward moments.
Sa ‘Tirsong Tuso Sketch’ Kaabang-abang ang mga gagawing delikado pero nakakatawang desisyon ng isang sugarol na palaging may twist sa bawat taya.
Sa ‘Steam Bath Gag’, bitbit ng half-naked beauties ang isang riot na tawanan mula sa kanilang maiinit na banter.
Sa pagsasama-sama ng sexy girls with Janno sa kanilang mediacon, ramdam naman ang camaraderie at pagka-at home na nila sa bawat isa.
Nauna nang sinabi ni Janno na wala siyang tine-text o tinatawagan ni isa man sa mga babae na kasama niya sa show.
Sa teaser ng ‘Battle of the Braless’ segment, bumuyangyang na ang sari-saring hugis at kulay ng mga naglulusugang dibdib sa camera. Lahat ay wala ng saplot.
Syempre, siguradong ang mga Adan ang tiyak at unang masisiyahan sa panonood ng bagong show na ito ni Janno.
Hindi sakop ng nagbabantay sa responsableng panonood ang platform na ito. So, at your own risk. Hawakan ang mga TV remote at siguraduhing ilayo ito sa mga bata, ha!
Fun. But with adult contents!

