Mga Zesties, unang buwan pa lang ng taon, grabe na ang pasabog ng ‘Prince of Ballad’ na si Gerald Santos! Last January 10 lang, pinakilig niya tayo with his latest single na ‘Hubad’. At eto pa, on January 24, sasabog na ang unang concert niya for the year sa SM North Edsa Skydome. Ang bongga, dahil dito rin ilulunsad ang kanyang ‘Courage Movement’.
Ang concert na pinamagatang ‘Courage’ ay patikim ng kanyang evolution bilang isang artist. Kung dati, siya ang grand champion sa GMA’s Pinoy Pop Superstar, tapos naging Thuy sa Miss Saigon sa Europe, ngayon naman, handang-handa na siyang ipakita ang superstar feels niya sa nalalapit niyang concert na ‘Courage’.
“I’ll be singing songs people don’t usually hear from me. It was very challenging,” pagbabahagi ni Gerald. At syempre, hindi siya mag-iisa! Kakaloka ang lineup ng special guests: ang power belter na si Sheryn Regis, ang balladeer prince na si Erik Santos, si Elish (Aliw Awards’ 2024 Best New Female Artist), ang trending P-Pop group na ASTER at si Aicelle Santos. Ano na, sold out na ba mga tix niyo?
Mga Marites, eto ang kwento sa likod ng kantang ‘Hubad’, ang latest paandar ni Gerald na kinompose ni Feb Cabahug. Ibinuking ni Gerald kung paano siya na-recruit para awitin ito.
“Feb has been looking for a mainstream artist to sing what she composed. She messaged me on Facebook and introduced herself. She told me that she could imagine me singing her song and that she wanted me to sing it,” kwento niya.
Dagdag pa niya, “So I listened to the song and said, ‘Wow. Ang song na ito ay maganda at very catchy.’ I said yes to Feb, and she even told me she would pay me to sing her song. I told her no, hindi na kailangan. So ayan, nag-collaborate na lang kami.”
Sexy ang title pero charot! “Kung iintindihin mo ang lyrics, napakaganda nung theme. Hindi sya bastos,” sey ni Gerald. Ang song daw ay tungkol sa pagbibigay ng ‘all-out’ pagdating sa pag-ibig.
Available na ang ‘Hubad’ sa Spotify, iTunes, Amazon Music, at iba pang digital music platforms. Mga madlang pipol, stream na!
At eto pa, mga Zai! Sa concert na ito, Gerald will also introduce his personal advocacy na tinawag niyang ‘Courage Movement’. Dito niya bibigyang lakas ang mga tulad niyang naging biktima ng pang-aabuso.
Kung matatandaan, noong 2005, naging biktima si Gerald ng sexual abuse mula sa kanyang mentor. Nagkaroon ng kaso noong 2010, pero iba ang panahon noon. Sey niya, “Being a victim of abuse carried with it a ‘stigma’ of some kind.”
Ngayon, ibang-iba na ang panahon. “People are now more open-minded and they won’t judge you easily,” paliwanag ni Gerald. “Kakampi din natin ang social media ngayon, kaya hindi tayo dapat manahimik.”
Ang ‘Courage Movement’ ay isang paraan niya para ipakita sa iba na hindi sila nag-iisa. “I always tell others that if you are abused or receive unwanted advances from someone, don’t be afraid to speak up,” panawagan niya.
Ang 33-anyos na balladeer na ito ay patuloy na magbibigay inspirasyon at musika na tatagos sa puso’t kaluluwa. Kaya mga Sisses, huwag pakabog! Ang ‘Courage’ concert ni Gerald Santos ay isang must-watch! Gerald Santos is best experienced, LIVE!
Para sa tickets, visit smtickets.com. Sugod na at samahan si Gerald sa isang gabing puno ng tapang, emosyon, at kantahan!