Ni Reggee Bonoan
Ngayong araw lang ay namaalam na ang tinaguriang Queen of Philippine Cinema na si Ms. Gloria Romero o Gloria Anne Borrego Galla – Gutierrez sa tunay na buhay. She is 91.
Unang nabasa ang malungkot na balitang ito sa post ng aktres na si Lovely Rivero sa kanyang Facebook account na sa loob lang ng apat na minuto ay umani na ito ng mahigit 1,200 sad face emojis at ilang daang shares.
Pinost ni Lovely ang mga larawan ni Ms. Romero at ang caption ay, “Rest well, our Movie Queen, Tita Gloria Romero. Praying for the repose of your soul & for strength for @chefmgutierrez, Chris & the whole family during this very difficult time.” (with praying hands emoji)
Ilang minuto pa ang nakalipas ay naglabas na rin ng official statement ang nag-iisang anak ni Ms Gloria na si Chef Maritess Gutierrez.
“TO OUR DEAREST FAMILY, RELATIVES, AND FRIENDS: It is with great sadness to announce the passing of my beloved Mother, Gloria Galla Gutierrez (aka Gloria Romero), who peacefully joined our Creator earlier today.
“In this time of loss, our family deeply appreciates the support, prayers, sympathy, all the lovely messages, and heartfelt condolences that we’ve received. She will surely be missed dearly.”
Matatandaang noong Pebrero 29, 2024, edad 90 ay binigyan ng tribute ang beteranang aktres na inorganisa ng kanyang matalik na kaibigan at itinuring na kapatid na si Ms Daisy Romualdez na ginanap sa Manila Hotel.
Maraming dumalo sa pagtitipong ito na nakasama at nakilala ni Ms. Gloria noong aktibo pa siya sa showbiz.
Sa kasalukuyan ay walang detalyeng binanggit pa si Chef Marites kung saan ang wake ng kanyang pinakamamahal na ina.
Nakikiramay po kami sa mga naulila ni Ms. Gloria Romero.
*******
Panalo ang launching ng ikalawang taon ng CinePanalo Film Festival na ginanap sa Artson Events Place kahapon, Biyernes, Enero 24 dahil pawang mga kilalang artista ang dumating.
Dumalo sina JC Santos, KD Estrada, Alexa Ilacad, Jameson Blake, Allen Dizon, Enzo Osorio, Ruby Ruiz, Therese Malvar, Kira Balinger, at Romnick Sarmenta sa nasabing launching at excited na rin silang mapanood ng lahat ang pelikula nilang kasama sa CinePanalo Film Festival na mapapanood sa Gateway Cineplex 18 mula March 14 hanggang March 25.
Hindi nawawala ang mga ngiti ng Puregold Festival Director Chris Cahilig dahil halos doble ang mga nag-sumite ng mga scripts ngayong 2025 na ibig sabihin ay word of mouth na ang project na sinimulan nila ni Ms. Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold.
Say ni Chris, “Grabe ‘yung support. Ang CinePanalo ay patuloy na nag-level up. I can’t imagine coming from last year na parang we were experimenting lang. Hindi namin alam na ganito kabilis. Sa mga sumuporta sa amin nu’ng umpisa pa lang, we’re so happy. Salamat sa MTRCB, Gateway Cineplex 18, Mowelfund, Terminal Six, CMB Films, at MFP Rentals.”
Ayon naman kay Ms. Ivy, “Pagkatapos ng isang matinding mapagkumpitensyang panahon ng aplikasyon, ang mga direktor na ito ay lumabas sa tuktok ng tambak. Alam namin na magbubunga sila ng mahusay, mahigpit na trabaho at hindi na kami makapaghintay na ibahagi ito sa manonood ng publiko sa darating na pagdiriwang.”
Anyway, ang opisyal na listahan para sa ikalawang edisyon ng CinePanalo ay ang mga sumusunod, na ang bawat isa ay tumanggap ng P3 milyon para sa mga walong full-length na pelikula at P150,000 para sa 24 estudyanteng filmmakers.
Ang walong full-length movies ay ang mga sumusunod:
‘Sepak Takraw’, mula sa direksyon ni Mes de Guzman, starring Enzo Osorio, Nicollo Castillo, Ruby Ruiz, at Acey Aguilar
‘Olsen’s Day’, directed by JP Habac, pagbibidahan nina Khalil Ramos, Xander Nuda at Romnick Sarmenta.
‘Tigkiliwi’, ni Tara Illenberger at ang mga artista ay sina Ruby Ruiz, Gabby Padilla, at Julian Paul Larroder
‘Journeyman’, idinirihe ni Christian Paolo Lat & Dominic Lat, at ang mga bida ay sina JC Santos at Jasmine Curtis-Smith
‘Salum’, directed by TM Malones, starring Allen Dizon and Christine Mary Dimaisip.
‘Co-Love’, movie of Jill Singson Urdaneta sa pangunguna nina KD Estrada, Alexa Ilacad, Kira Balinger, at Jameson Blake.
‘Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea’, (documentary), directed by
Baby Ruth Villarama
‘Fleeting’, idinirek ng baguhang si Catsi Catalan at sina RK Bagatsing at Janella Salvador ang bida.
Ang listahan naman para sa student short films ay ang mga sumusunod:
‘Dan, En Pointe’, by Adelbert Abrigonda of Polytechnic University of the Philippines
‘Cancer Din Ang Zodiac Sign Mo?’ ni Allan Balance Jr. of Polytechnic University of the Philippines
‘Dito, Dati’, of Angel Allizon Cruz of University of Santo Tomas
‘Sine-Sine’, ni Roniño Dolim of University of Eastern Philippines
‘1, 2, Strike!!!’, directed by Kenneth Flores of Far Eastern University
‘Sa Susunod Sisikat si Susan’, sa direksyon ni Austine Fresnido of FAITH Colleges
‘Champ Green’, mula kay Clyde Cuizon Gamale of University of the Philippines
‘Nanay’s Frankenstein’, from Bjorn M. Herrera of Central Philippine University
‘Mother at Sixty’, directed by Maria Eleanor Javier of University of the Philippines Visayas
‘Sisenta!’, ni Mae Malaya and produced by Ivan Gentolizo of University of the Philippines
‘SamPie’, mula kay Ira Corinne Esquerra Malit of University of Caloocan City
‘Taympers’, directed by Naiah Nicole Mendoza of Polytechnic University of the Philippines
Uwian, idinirihe ni Vhan Marco Molacruz of Colegio de San Juan de Letran
‘Let’s Go Somewhere Else’, gawa ni Jadrien Morales of University of the Philippines
‘Papunta Ka Pa Lang, Naka-Bounce Na Ako’, directed by Regene Narciso of Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo
‘Checkmate’, ni Alexie Nicole Pardo of Polytechnic University of the Philippines
‘Daeaura’, from Kieth Earl B. Rebaño of University of the Philippines Visayas
‘Japan Surplus’, obra ni John Lester Rimorin of University of the Philippines
‘G!’, directed by Jose Andy Sales of University of San Carlos
‘Our One and Only Bab(o)y’, ni Mark Joseph Sanchez of Polytechnic University of the Philippines
‘Si Nadia at ang Kanyang mga Kuro-Kuro’, idinirek ni Aubrey Soriano of Polytechnic University of the Philippines
‘Sa Pagbunga’, from Jasper Tan of Far Eastern University
‘Daog, Pildi’, mula kay Johannes Tejero of University of San Carlos
‘Dela Cruz, Juan P’, directed by Sean Rafael Verdejo of National University Laguna