![](https://pinoynewschannel-com.preview-domain.com/wp-content/uploads/2025/01/475051556_1028182409325456_5389625955589452302_n-1.jpg)
![](https://pinoynewschannel-com.preview-domain.com/wp-content/uploads/2025/01/year-snake-lunar-happy-new-year-2025-chinese-new-year-celebration_1204981-17498.webp)
Opisyal nang sinimulan ang masiglang selebrasyon ng Chinese New Year sa Chinatown, San Lorenzo, Binondo, nitong Biyernes ng gabi, Enero 24, sa pamamagitan ng pagpapailaw ng ‘Prosperity Tree.’
Pinangunahan ni Manila City Administrator Bernie Ang, deputy chair ng Manila Chinatown Development Council (MCDC), ang seremonya ng pag-iilaw, na dinaluhan ng mga opisyal ng lungsod at iba’t ibang organisasyon ng Chinese-Filipino.
Ayon kay Ang, ang mga aktibidad na inihanda para sa Chinese New Year sa Enero 29 ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) at Manila Chinatown Barangay Organization (MCBO) na pinamumunuan ni Chairman Jeff Lau.
Ang Chinese New Year countdown ay nakatakdang ganapin sa Martes, Enero 28, alas-11:00 ng gabi sa Jones Bridge, habang ang Grand Parade ay magsisimula kinabukasan, Enero 29, alas-2:00 ng hapon. Ang parada ay mag-iikot sa paligid ng Chinatown at magsisimula sa lumang Post Office site.
Sinabi naman ni Manila Mayor Honey Lacuna na limang araw ang itinalagang selebrasyon para sa Chinese New Year, na inaasahang dadagsain ng mga tao. Bukod sa Fil-Chinese community, naging tradisyon na rin itong tinatangkilik ng mga Pilipino at dayuhang turista.
#pinoynewschannel#NewsOnline#ChineseNewYear2025#chinatown#Manila