

Isa na namang karangalan ang nakamit ng Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo pagkatapos niyang tanggapin ang karangalan bilang Valedictorian sa high school sa pinapasukang OB Montessori. Bukod sa pinaka-mataas na recognition para sa isang graduate ng kanilang school, dati na rin siyang nakatanggap ng isang dosena pang parangal during her elementary years. Bagama’t masasabing home schooling lang siya noong high school, napanatili pa rin niyang mataas ang kanyang academic grades kahit pa sa kasagsagan at kasikatan ng kanyang career.
Kuwento ni Kath (palayaw kay Kathryn), “Hate na hate ko noon ang mathematics subject since elementary hanggang high school!”
Pero nanalo pa rin siya ng first place sa mathematics Quiz Bee contest noong elementary pa lang siya.
Ngayon ay nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Enderun College, isang international at exclusive university ng bansa.
Sa kanyang panayam, ikinuwento niya na ang kanyang highest grade ay 1.00 at ang kanyang lowest ay 1.50, bagay na maituturing pa ring outstanding grades.
Ayon sa kanyang Mommy Min (Bernardo), simula pa noong 2013, isa si Kathryn sa pinaka-outstanding na Marketing student ng Enderun. Dahil sa talino ng actress, isa si Kathryn sa inaabangang kandidato para sa Cum Laude sa susunod niyang pagtatapos.
Beauty and intelligence talaga ang box-office star ng Asia.
* * * * * * *
‘Sunshine’, starring Maris Racal has been officially selected as one of the stronger competitors for the 75th Berlin International Film Festival (Berlinare) under the Generation 14 Plus competition.
Sa isang Instagram post, inanunsiyo ng Project 8 Projects ang nasabing exciting news tungkol sa pelikulang ‘Sunshine’ na dinirek ni Antoinette Jadaone. The film will have it’s European premier sa prestihiyosong international film festival.
Nagagalak si Direk Jadaone dahil ang film na ‘Sunshine’, marks as her first competition to one of the ‘Big 3’ film festivals abroad pagkatapos nitong magkaroon ng premier screening nitong nakaraang taon (2024) sa Toronto International Film Festival at maging sa Palm Springs International Film Festival.
‘Sunshine’ also earned a nomination for ‘Best Youth Film’ noon ding taong 2024 para sa Asia Pacific Screen Awards.
Ang ‘Sunshine’ ay tungkol sa kuwento ng isang young gymnast (played by Maris) whose gymnastics career was put on hold pagkatapos niyang mabuntis.
Kasama sa cast ng ‘Sunshine’, ang award-winning actor na si Elijah Canlas, Xyriel Manabat, Jennica Garcia at Meryll Soriano.
* * * * * * *
Nagbabaliik sa primetime serye simula nitong Lunes, January 27 ang phenomenal Gen Z love team na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano, o mas kilala bilang Don-Belle, para sa seryeng ‘How to Spot a Red Flag’.
Muli silang mapapanood sa free tv pagkatapos ang matagumpay na ‘Can’t Buy Me Love’, na naunang naipalabas sa streaming platform na VIU noon.
Pero bago ang Don-Belle series, mapapakapit na muna ang mga manonood sa back-to-back series na ‘FPJ’s Batang Quiapo’ at ‘Incognito”, kung saan ang maaaksiyong tagpo ng cast sa pangunguna nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Anthony Jennings, Maris Racal, Kaila Estrada, Baron Geisler at Daniel Padilla, ay humakot ng 600 concurrent views (at nag-number one series sa Netflix) habang all-time high naman ang ‘Batang Quiapo’ with 800 concurrent online viewers o sabay-sabay na tumututok ng serye.
Talagang tinutukan ng mga madlang pipol ang pinakaaabangang pagtatagpo nina Tanggol (played by Coco Martin), at Rigor (portrayed by John Estrada), kung saan matatapos ang journey ng huli.

