Sa kauna unahang pagkakataon ay ipanakilala na ang sampung mga kandidatang pambato ng Quezon City sa Miss Universe Philippines 2025 kamakailan sa kanilang Jell Life fashion show na ginanap sa Trinoma Activity Center kung saan ay dinumog ito ng mga sumuporta na mga kaibigan at mga taong nabighani sa kagandahan ng mga kababaehan sa tinaguriang city of stars ang lungsod ng Quezon City.
Nagmistulang mga diyosa ang mga kandidata kung saan ay nagpatalbugan ang mga ito sa kanilang mga gowns at pag awra sa stage kaya tamang tama ito sa kanilang temang Stars Light the Runway na kinatuwa naman ng mga audience ang mga sumali sa 2025 edisyon ng MUP QC.
“Gerald Santos,Dinumog ang Pagbabalik Concert!”
Certified blockbuster ang pagbabalik sa concert scene ng batikang singer na si Gerald Santos sa SM Skydome noong January 25, kung saan ay naganap ang kanyang very Courageous “Courage”concert na handog niya sa mga biktima ng sexual harrassment sa industriya ng showbiz.
Dinaluhan ito ng mga malalapit sa stage actor ng Miss Saigon na sina Erik Santos at Sheryn Regis na parang reunion ng kanilang rivalry noong kasikatan nila sa Star in a Million day’s.
Di rin nagpatalo ang boyband group na Aster kung saan ay tinilian at talagang enjoy na enjoy ang mga kabataan sa kanilang performance at siyempre di rin mawawala ang kanyang bff na si Aicelle Santos na kanyang kasabayan noong nag uumpisa pa lamang si Gerald Santos sa showbiz kung saan ay nagsimula ito sa GMA kapuso sa pangagalaga ng namayapang si kuya germs.
Ang concert na ito ni Gerald Santos ay napaka memorable dahil dumalo lang naman ang kontrobersyal na si Sandro Mulach ang napabalitang umano’y biktima ng act of lasciviousness o sexual harrassment na humantong sa imbestigasyon sa senado kaya nasuspendi ang mga ito sa lahat ng networks,sinamahan at all support naman ang ama nitong si Nino Mulach pati na din ang kanyang kapatid na si Alonzo na talagang todo todo ang suporta sa kanyang kuya Sandro.