Gamit ang kanyang mga baraha, nagbigay ng fearless forecast ang isang manghuhula at tarot card reader sa posibleng mangyari ngayong taon. Aniya, posible raw maghiwalay sina Julia Barretto at Gerald Anderson. Bagamat okey daw naman ang pasok ng 2025 kay Ge pagdating sa karera, magkakaroon daw naman ito ng problema sa pakikipagrelasyon. Magkakaroon din daw ng pagdududa si Julia sa kanyang partner. Sa kaso naman ni Joshua Garcia, mai-involve raw ito sa isang taong may karelasyon. Feeling pa niya, naguguluhan daw ang isip nito sa kasalukuyan. Vibes pa niya, ‘hiwalay’ na nga raw ito sa kanyang dyowa at puputok ang balita ngayong taon. Happy daw naman si Angelica Panganiban sa kanyang buhay may-asawa at kung babalik man ito sa limelight ay sa 2026 pa.
Tungkol naman sa Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, magkakaroon daw naman ito ng problema pagdating sa pananalapi. Ikababahala raw nito ang laging paglalabas ng pera pero wala namang kapalit na pumapasok. Nakikita pa niyang sunud-sunuran lang daw ito sa kagustuhan ng kanyang nobya. Pagdating naman kay Barbie Imperial, masaya raw ang lovelife nito sa taong nagpapasaya sa kanya. Posible rin daw na ikasal ito ngayong taon. Sa kaso naman ni Arjo Atayde, posible raw naman na masangkot ito sa isang isyung pulitikal. Gayunpaman, hindi raw niya nakikita na mabubuntis na si Maine Mendoza sa Year of the Wooden Snake.
Posible rin daw manalo ng acting award si Arjo samantalang ang kanyang kabiyak ay magpapatuloy lang ang karera. May posibilidad daw namang humantong sa paghihiwalay ang relasyon nina Elisse Joson at McCoy de Leon. Posible raw ma-fall out of love si Elisse sa partner samantalang si McCoy ay may tsansang maapektuhan ang career dahil sa emotional rollercoaster na pagdadaanan. ** Mga pelikulang may angkop na klasipikasyon mula sa MTRCB, gabay ng pamilyang Pilipino sa panood sa mga sinehan ngayong linggo Bilang pasakalye sa Chinese New Year, anim na pelikula ang binigyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng karampatang klasipikasyon para sa ikaliligaya ng manonood. PG (Patnubay at Gabay/Parental Guidance) ang “Her Locket,” na humakot ng 8 awards sa 2024 Sinag Maynila Film Festival.
Ipinaalala ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak sa tamang pagpili ng mga panonoorin. “Habang may mga eksena na posibleng naglalarawan ng ilang sensitibong paksa, tayo, bilang mga magulang, ay laging handa na sagutin ang mga tanong ng ating mga anak,” sabi ni Sotto-Antonio. Rated R-13 naman ang “Presence” at mga edad 13 pataas lamang ang pwedeng manood nito dahil sa ilang masisidhing eksena. R-13 din ang “Flight Risk,” “Death Whisperer 2” at “Overlord: The Sacred Kingdom” na may mga temang hindi angkop sa edad 12 at pababa. Habang ang “Anora,” mula sa libro ni Sean Baker, ay R-18 dahil sa mga eksena, lenggwahe at maselang paksa na bagay lamang sa edad 18 at pataas. Tiniyak ni Sotto-Antonio sa publiko na ang mga pelikula ay dumaan sa tamang proseso para mabigyan ng angkop na klasipikasyon para sa kapakanan ng mga manonood, partikular ang mga bata.