BETERANONG AKTOR, NABISTO ANG LIHIM NG AKTOR NA KARELASYON NG KANYANG ANAK
HINDI pakialamero sa lovelife ng kanyang mga anak ang mayaman, kilalang aktor. Pero isang pangyayari sa kanilang pamilya ang kinailangan niyang makialam sa pakikipagrelasyon ng panganay niyang anak na babae na nag-artista rin pero di sumikat
Tanggap na ng pamilya nila para maikasal ang kanilang anak na hindi sikat na aktres sa jowa niya sikat na aktor. Kaso, nakarating sa kanyang ama na misteryoso pala ang karelasyon na aktor ng kaniyang anak. Bulung-bulungan sa showbiz, na pumapasada pala si aktor sa mga mga gay at kababaihan sa showbiz na nagkakagusto sa kanya. Ibig sabihin, lihim na pinagkakakitaan ang kanyang hot property.
Hindi matanggap ni beteranong aktor, na sa bulung-bulungan sa showbiz, ay kasama sa listahan ang maganda at seksi pa rin naman niyang asawa sa mga lihim na lihim na nakaulayaw sa kama ni pumapasadang sikat na aktor.
Galit na galit ang ama ng aktres-aktresan nang malaman niya ang katotohanan at ang lihim na natuklasan niya tungkol sa karelasyon nito. Umiyak din ang aktres-aktresan sa natuklasan, at nalaman niyang totoong misteryoso nga ang karelasyon niyang guwapong aktor kaya puro sila luhaan na tinapos ang relasyong iyon.
Clue: Guwapo, mestiso at medyo matangkad si aktor at si aktres-aktresan ay kilala ang pamilya sa showbiz.