Sinampahan ng mga awtoridad sa Department of Justice (DOJ) ng kasong murder at frustrated murder sina dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma at dating National Police Commission (NAPOLCOM) commissioner Edilberto Leonardo.
Ang reklamo ay isinampa ng mga opisyal mula sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) kaugnay ng pananambang at pagpatay kay dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga, pati na rin ang pagkakasugat ng kanyang driver ilang taon na ang nakalipas.
Bukod kina Garma at Leonardo, lima pang indibidwal ang nadawit sa kaso. Kabilang dito si PLtCol. Santi Mendoza, na itinuro umano sina Garma at Leonardo bilang utak ng krimen. Kasama rin sa reklamo ang isang Nelson Mariano, na sinasabing kinontak ni Mendoza upang kumuha ng “hitman,” pati na rin ang kinuhang hitman na si alyas Tok—na kalaunan ay natukoy bilang isang pulis na kinilalang si PSMS Jeremy Kausapin.
Kasama rin sa mga inireklamo ang isang alyas ‘Loloy’ at isang ‘John Doe.’
Samantala, mariing pinabulaanan nina Garma at Leonardo ang mga akusasyong isinampa laban sa kanila.