NAKATAKDANG gumawa ng kasaysayan ang House of Representatives matapos iendorso ang fourth impeachment complaint ngayong huling araw ng session ng Kongreso matapos ihain ng mahigit 200 na mga mambabatas ang pagsusulong sas nabanggit na reklamo laban kay vice president Sara Duterte-Carpio.
Batay sa ulat, sa House plenary session ngayong araw ng Miyerkules ay umabot umano sa bilang na 215 na mga mambabatas mula sa kabuuang 306 na kongresista ang lumagda at sumang-ayon sa paghahain ng reklamo para sa pagpapatalsik sa pangalawang pangulo.
Bago rito ay kinumpirma kanina ni House Secretary General Reginald Velasco na umabot na sa 153 ang kumpirmadong lalagda sa naturang impeachment complaint at inihayag na mag-aanunsyo ukol dito ngayong alas 3 ng hapon.
sakali at tuluyang mapatalsik si VP Duterte ay siya ang kauna-unahang bise presidente na pinatalsik sa kanyang puwesto