Sa bagong post ni Anne Curtis ay hindi niya maitago ang tuwa sa mukha ng makita ang kanyang mag-amang sina Erwan Heussaff at Dahlia.
Mula ng pumasok kasi ang 2025 ay back to work na ang Aussie-Pinay TV host actress.
Caption ni Anne: “My love cup got a refill 2 days filled with too much love and fun. Miss you guys already @erwan.
“Comeback anytime if you want another refill. See you again soon, Anne, Erwan & Dahlia.”
“Medyo OFW talaga datingan ngayon. Tiis lang mie”
Nagkomento rin ang ina ni Anne na si Mommy Carmen, “That was nice they came to see you. Miss ka na nila super.”
Isang netizen ang nakapansin na wala na raw ang chest mole ng It’s Showtime host.
“Anne removed her chest mole”
* * * * * * *
GOAL NI YASSI PRESSMAN, MAKAKILALA PA NG KA-PANGALAN NIYA
Yassi Pressman, nag-offer na sasagutin ang tuition ng batang babae sa Cebu na ka-pangalan niya.
Isang Yassi ang na-encounter ng aktres ng nasa Cebu trip siya.
Ani Yassi, habang nagsa-shopping sa Carbon Market sa Cebu ay may lumapit sa kanya na mag-ina.
Pinakilala ng ina na ang anak niya ay ka-pangalan ng aktres.
Nalaman pa ni Yassi na Grade 1 ang bagets kaya nag-offer siya na iso-shoulder niya ang school tuition fees ng young girl.
Sa social media ng TV host/actress ay pinost niya kung papano na-encounter ang batang babae named Yassi.
Aniya, “Unexpected special moments are simply the best.”
Aniya pa, “isang masaya at nakakagulat na umaga sa Carbon market, Cebu City! Habang namimili (at nagpapa cute! haha) lumapit samin si mommy na may baby Yassi,”
“Salamat Carbon market, kay mommy at baby Yassi for making our Cebu trip extra memorable.”
Sambit pa niya na ang kanyang goal ay ma-meet ang mga ka-pangalan niyang Yassi.
“My goal is to meet you all.”
Sabagay, ang pangalang Yassi ay hindi common na name.
Ibig yatang magtayo ng isang shelter ang aktres ng mga ka-pangalan niya.
* * * * * * *
JK LABAJO, PINAHIHINGI NG SORRY NG ILOILO
Pinagpa-public apology ng LGU ng Iloilo ang singer na si JK Labajo dahil sa pagmumura sa kantang ‘Ere’.
Nadismaya ang ilang Iloilo City officials ng kantahin ng singer-songwriter sa Dinagyang Festival 2025 ang kanyang kantang ‘Ere’ na nagtataglay ng mura sa lyrics nito.
Ayon sa ulat ng GMA News, the Mayor himself called out the singer for singing the said song due to the nature of the event.
Sinuportahan naman ng Iloilo Festivals Foundation, Inc. (IFFI) ang city council, maging ang punung bayan mismo ng Iloilo, in demanding for a apology from JK.
Hindi nagustuhan ng mga officials ng Iloilo City ang kantang ‘Ere’, which contains some explicit language, might have touched a nerve among city officials.
Ayon sa City Mayor hindi raw niya nagustuhan ang kinanta ni JK sa Dinagyang Festival 2025 dahil iyun daw ay isang religious event.
Inamin naman ng organisasyon na hindi nila na-check ang line-up ng mga kakantahin ng singer/actor dahil nakafocus sila sa security ng event.
Kinukuha ng GMA News ang reaksyon ni JK pero wala pa raw silang natatanggap na reply mula sa singer.