
Naipasa na sa Senado ng Kamara ang mga Artikulo ng Impeachment na naglalayong tanggalin sa posisyon si Pangalawang Pangulo Sara Duterte.
Ang Senado ang magiging impeachment court kung saan ililitis si Duterte at ang mga senador ang magsisilbing mga hukom.
Kabilang sa mga paratang laban kay Duterte ang maling paggamit ng confidential funds, graft and corruption, at betrayal of public trust—lahat ng ito ay sapat na batayan para sa impeachment ayon sa 1987 Constitution.
Tumanggi naman si Senate President Francis “Chiz” Escudero na magbigay ng pahayag ukol sa impeachment complaint upang maiwasan ang anumang akusasyon ng pagkiling.
Sinabi rin ni Sen. Joel Villanueva na inaasahang mahaba pa ang proseso ng impeachment complaint, kasama na rito ang pagsasaayos ng mga tuntunin sa impeachment at ang pagpapagawa ng robe para sa mga senador.
16 na boto lamang ng Senador ang kailangan para mapatalsik si VP Sara Duterte.