
Nadiskubre ang mga ilegal na sugal sa loob ng Manila North Cemetery matapos ang pagsalakay ng District Intelligence Division kasama ang Blumentritt Police Community Precinct at Sta. Cruz Police Station ng Manila Police District (MPD).
Pinangunahan ni DID Tracker Team leader, PCapt Joel Aquino, ang pagsalakay sa 2nd Street ng MNC bandang alas-4:00 ng hapon, kung saan natuklasan ang operasyon ng video karera. Sa insidenteng ito, nasamsam ang isang video karera machine at isang TV monitor na nakalagay sa tabi ng isang nitso.
Wala nang nakitang manlalaro na pumapasok sa sementeryo, bagaman may ulat na nagsasabing may ilang tumakbo patungo rito.
Bukod sa video karera, may mga ulat din ng pag-videoke, pag-iinuman, at paglalaro ng cara y cruz at tong-its sa nasabing lugar.