

Matapos ang kanyang highly successful at sold-out concert na ‘Courage’, muling magbabalik sa entablado ang powerhouse singer-actor na si Gerald Santos bilang bida sa isang orihinal na Filipino musical—ang ‘HAPHOW!’
Produced by CityDanse Academy, ang ‘HAPHOW’ ay isang heartwarming na dula na ipapalabas sa Newport World Resorts. Hindi lang ito tungkol sa pagkakaibigan at self-discovery, kundi may malalim ding mensahe tungkol sa pangangalaga sa kalikasan—isang advocacy na swak na swak sa panahon ngayon.
Ano nga ba ang ‘HAPHOW?’
Ayon kay Gerald, ang pangalan ng musical na ito ay isang acronym na sumisimbolo sa mahahalagang Filipino values.
> “‘HAPHOW’ stands for humility, acceptance, patience, honesty, open-mindedness, and willingness to change.”
Isa raw itong paalala sa bawat Pilipino, lalo na sa kabataan, kung paano dapat mamuhay nang may dangal at malasakit sa kapwa.
“Napaka-heartwarming nitong musical na ‘to because it’s about the core of Filipino values,” dagdag pa ni Gerald.
Perfect fit ang ‘HAPHOW’ for Gerald. Para kay Gerald, isang malaking karangalan ang maimbitahang gumanap bilang titular character sa musical na ito.
“I’m really blessed and thankful for CityDanse Academy. Nung sinend nila ‘yung materials sa akin, I was overwhelmed kasi it also resonates with me. I’m really trying my best to be a role model.”
Mukhang nagkatugma ang karakter ni ‘HAPHOW’ sa tunay na personalidad ni Gerald—isang mabuting huwaran na sumasalamin sa kagandahang-loob ng isang tunay na Pilipino.
At kung akala ninyo pang-bagets lang ang ‘HAPHOW’, think again, mga besh!
“Marami silang mauuwi—mafi-feel nila sa puso nila na dapat tayong maging mabuting tao, pangalagaan natin ang environment, at maging mabuting example tayo sa lahat,” sabi pa ng singer-actor.
‘HAPHOW’ is a timely musical for today’s generation. Si MJ Aspacio, ang composer ng ‘HAPHOW’, ay binigyang-diin ang relevance ng musical na ito.
“What’s happening right now is that people forget our roots and core values. ‘HAPHOW’ is about these core values. Our generation right now, we tend to forget to be respectful to the elderly, so we incorporated that into the musical.”
Mukhang hindi lang ito basta entertainment, kundi isang powerful na paalala sa ating lahat.
Bukod sa performances sa Newport World Resorts ngayong May 28-30 at September 5-7, 2025, nakatakda ring libutin ng ‘HAPHOW’ ang iba’t ibang panig ng mundo!
At hindi lang ‘yan! May major project pa si Gerald na ilulunsad ngayong Setyembre—isang patunay na unstoppable ang kanyang career sa teatro at musika!
Kaya naman, mga mars at sizzums, wag nang magpahuli! Markahan na ang inyong kalendaryo at abangan si Gerald Santos sa ‘HAPHOW’ ngayong May 2025. And for sure, ang ‘HAPHOW’ ay isang musical na siguradong tatatak sa puso nating lahat.

