

NAGSAMPA ng patung-patong na reklamo sina dating House Speaker Pantaleon Alvarez,Atty.. Raul Lambino, Atty. Jimmy Bondoc,Virgilio Garcia, Atty. Ferdinand Topacio at Diego Magpantay ng grupong Citizens Crime Watch laban sa kasalukuyang House Speaker Martin Romualdez at iba pang opisyal ng House of Representatives.
Naghain ng criminal at graft complaints ngayon ang mga nabanggit sa Tanggapan ng Ombudsman kaugnay ng anila’y 241 bilyong piso na umano’y isiningit sa 2025 national budget.
Sinampahan naman ng kasong 12 counts falsification of legislative documents at graft sina House Majority Leader Manuel Dalipe, dating appropriations committee chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at Acting appropriations committee chairman Rep. Stella Quimbo.
Ang pagsasampa ng nabanggit na reklamo ay may kaugnayan umano sa 12 blangko sa 2025 bicam report na diumano’y nilagyan o sinulatan ng halaga bago pa ito malagdaan ni Pangulong BBM ang 2025 General Appropriations Act.