
Pagkatapos na kumalat ang diumano’y sex videos nina Mark Anthony Fernandez at Troy Montero, napabalita namang may sex scandal umano ang actor turned PCG Auxiliary na si Diether Ocampo. Ito rin ay naiskup sa isang portal ng mga tsismosang kapitbahay. Katunayan, sey ng talent manager turned vlogger, marami raw mga kapatid sa pananampalataya ang na-curious kung totoo ngang may sex video ang aktor. Usap-usapan din ang bagay na ito sa X social media account.
May mga nakapanood naman ng naturang kontrobersyal na video ang nagsabing kamukha lamang ni Diether ang lalakeng nagpapaligaya sa sarili tulad ng mga videos ng mga naunang nabangit (Mark at Troy) na kamukha lamang ang mga sinasabing artista na nasa sex videos.. Hirit pa ng iba, malayo rin daw ang itsura nito sa dating Kapamilya actor. Si Diether ay 51 years old na pero patuloy pa ring pinagkakakaguluhan ng mga matronix at kajoklaan ang kanyang kakisigan. Samantala, may mga bilib naman sa aktor dahil hindi siya nakisama sa circus ng ilang mga artistang walang K na pumasok sa pulitika.
Matatandaang sa isang panayam noon ay sinabi niyang ayaw niyang pasukin ang isang bagay na hindi niya kayang panindigan tulad ng pulitika. Hirit pa niya, ayaw din daw niyang ipilit ang sarili sa bagay na pagdating ng panahon ay magkakaroon siya ng agam-agam tulad na lamang ng pagpapakasal. Si Diether ay isang doting father sa kanyang binatang anak na si Dream. Huli niyang nakasama ang kanyang mga kakontemporaryo sa showbiz nang minsang um-attend siya ng ABS-CBN Ball noong nakaraang taon. Bukas naman ang pitak na ito sa panig ni Diether sa nasabing isyu.
