

MAITUTURING sina Nadine Lustre at Bianca Umali na mga bagong sibol na kahusayan sa showbiz. Hindi lang sila mahuhusay na aktres, kundi matatalino rin sila at hindi uhaw sa publicity para lang mapag-usapan.
Matunog noon ang balita na si Nadine talaga ang tunay na bida sa movie, dahil sunod-sunod na ang award na kanyang natanggap bilang Best Actress at sunod-sunod din ang mga pinagbibidahan niyang pelikula. Pero ibibigay daw umano kay Vilma ang magandang role.
Hindi binigyang-pansin ni Nadine ang mga nasabing intriga. Mataas ang ipinakita niyang respeto sa Star for All Seasons. Napakaganda ng naging tratuhan nila hanggang sa matapos ang shooting at maipalabas ang pelikula.
Sina Nadine at Bianca ay katulad nina Lorna Tolentino, Alma Moreno, Rio Locsin, Amy Austria o maging nina Donna Cruz at Rita Avila na mga sumikat at nagkaroon ng pagkakataong makasama sa mga pelikula sina Nora at Vilma, pero marunong silang magbigay ng respeto sa dalawang premyadong aktres na mas nauna sa kanila sa movie industry.
Si Donna ay nagsimulang huminto sa showbiz nang mag-asawa. Habang ibini-build up siya noon ng Viva Films ay nagkasama sila ni Nora sa “Muling Umawit Ang Puso”
Nagpapatuloy pa ang kasikatan at kahusayan sa pag-arte nina Nadine at Bianca. Dahil sa pagiging marespeto nila sa mga beteranong artista ay baka magtagal din sila sa pag-arte tulad nina Lorna, Alma, Amy, Rita at Rio.
