
NAGING matagal at malaking kuwentuhan at mahabang palaisipan ng madlang people sa isang Subdivision ang isang magandang house and lot na talagang pansinin, pero madalas walang tao kundi mga katiwala.
Daming mga usyosong imbestigador na mga chismosa sa kapaligiran. Ang nagmamay-ari daw ng house and lot ay ang maganda at sikat na aktres. Pero ang nagbayad at bumili ng nasabing ari-arian ay ang mayamang guwapong aktor.
Hala! Ano ito?! Si aktor at si aktres ay hindi naman mag-asawa. Bakit may bigayan na ng ari-arian? Hindi naman sila natsismis na pinormahan ni aktor si aktres. As in, wala.
Secret na secret daw ang lahat. Sikat nga si aktres, pero nawawalan din naman siya ng project. Natatagalan na tambay. Inilapit daw nito ang sarili sa aktor. Malinis ang mga diskarte. Walang nakahalata sa showbiz. Sa bilihan, bayaran at pagreregalo lang ng house and lot nagkaroon ng usok ang chismis.
Maganda’t sexy si aktres. Guwapo ang mayamang aktor. Alangan namang walang “kapalit” ang ibinigay na house and lot, ah!