


MAS marami ang natuwa sa naging desisyon ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor, na huwag na muna siyang pumalaot sa larangan ng pulitika. Unang tinitingnan ng mga nagmamalasakit sa premyadong aktres ay ang kanyang kalusugan
Maraming naghihintay ng pagkakataon, na kung nasa ayos ang kalusugan ng Superstar ay matuloy ang mga dati nang planong mga proyekto para sa kanya.
Napakasipag ni Nora mag-shooting ng pelikula at mag-taping ng teleserye kapag maayos ang kanyang kalusugan. Kaya nga nakatapos siya ng ilang pelikula na sa hinaharap ay baka sunod-sunod nang ipalabas sa mga sinehan.
Sa katunayan, ipapalabas na sa February 19 ang darkest horror movie of the year, ang “MANANAMBAL” ng nag-iisang Superstar kasama rin sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Edgar Allan Guzman, Jeric Gonzales and Martin Escudero. Mula sa Viva Films. Directed by Adolfo Borinaga Alix, Jr.
Inaabangan na rin kung kailan ang pagpapalabas sa mga sinehan ng pelikulang “Kontrabida” ng GodFather Productions ni Joed Serrano. Napakaganda raw ng nasabing movie, dahil lalong hayup sa galing ang atake ng akting na ipinamalas ng Superstar.
