


Tawang-tawa kami habang pinapanood namin ang ‘Incognito’ kung saan kinuntsaba ni Maris Racal na gumaganap bilang si Gab Rivera si Anthony Jennings bilang Tomas Guerrero naman, na pasukin ang bahay nila para kunin ang package.
Hindi alam ni Jennings na bahay pala iyon nina Maris dahil ang paniniwala niya ay may kukuning package either pera o alahas.
Itinuro pa ni Maris kung saan dadaan at kung saang kuwarto naroon ang package at nang buksan ni Anthony ang pinto ay biglang tumambad ang dalawang giant poodle na sina Bud at Dy na pag-aari pala ng dalaga.
Hindi nito sinabi sa binata na fur babies ang kukunin niya at nagtaka kung bakit kailangang kunin, ang katwiran lang ni Maris ay hindi niya kayang buhatin.
Magkagalit kasi sina Maris at ang tatay niyang si Joel Torre )Samuel Rivera), kaya palihim niyang pinakuha ang mga alagang aso bagay na ikinaloka naman ni Anthony.
Fast forward at nakuha na ni Maris sina Bud at Dy pero nahuli naman si Anthony at bugbog sarado siya sa tauhan ni Joel na sa kalaunan ay binalikan ng dalaga ang partner in crime para sunduin na napagbintangan pang dyowa niya ito ayon sa ama.
Kaya kami natatawa kasama na ang ilang sumusubaybay ng ‘Incognito’ ay sa dahilang seryoso ang co-stars nina Anthony at Maris na sina Daniel Padilla, Ian Veneracion, Kaila Estrada, Baron Geisler at Richard Gutierrez sa kanilang mga misyon at on the side na trabaho samantala ang dalawang nauna ay chill-chill lang sa kanilang karakter.
Sumusunod naman sila sa mga pinag-uutos ni Contractor o Ian Veneracion pero sadyang nahahaluan nila ng comedy ang kanilang mga kilos at linya bagay na bentang-benta sa manonood.
Nitong Pebrero 21 ay nakamit ng ‘Incognito’ ang kanyang highest concurrent viewers 997, 260.00 na konti na lang ay 1 milyon na.
Samantala, ang gaganda ng mga nababasa ngayon sa social media tungkol kay Maris dahil siya ang bida sa pelikulang ‘Sunshine’ na idinirek ni Antoinette Jadaone. Ang nasabing pelikula ay nanalo ng Crystal Bear sa katatapos na 75th Berlin International Film Festival (Berlinale).
Ang Crystal Bear ay ibinigay sa ‘Best Film’ both for Generation Kplus at Generation 14plus competition.
Kahit hindi nanalo si Maris bilang Best Actress, ay okay na sa kanya dahil hindi lang siya parte sa pelikula kundi siya ang bida.
Bonggacious ka talaga, Maris!
* * * * * * *
Ang tarush ng entertainment online game na Playtime dahil nakamit na nito ang 1 milyong followers sa Facebook considering na nu’ng Nobyermbre 2024 lang ini-launch.
Bukod dito ay napapayag nila si Vic Sotto bilang endorser dahil knowing Bossing Vic ay makilatis ito sa mga ini-endorso niya na dapat ay malaki ang nagagampanan nito para sa mga nangangailangan.
Kaya kapag narinig mo na ang mga katagang, ‘Pilipinas, Playtime na!’ ay alam na this.
Anyway, parte ng speech ni Ms. Katherine Maramba, PR manager ng entertainment online game.
“Ang aming sariling brand ambassador, si ‘Bossing’ Vic Sotto. As he always say in his videos, “Ang importante, enjoy lang kayo. Sa laro nang responsable.”
“Ang kanyang mensahe ay palaging nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng pagsali sa mga aktibidad sa paglalaro sa ligtas at kontroladong paraan. Kami sa PlayTime ay palaging naniniwala sa integridad ng paglalaro. Tinitiyak namin na ang mga laro ay patas at transparent at ang mga manlalaro ay may sapat na kaalaman tungkol sa mga patakaran at mga payout. Ipinagmamalaki namin na sumusunod kami sa mga lokal at pambansang regulasyon tungkol sa mga responsableng kasanayan sa paglalaro.”
Nabanggit ding nakipagsosyo sila sa G-Cash, Maya, Viber, Grab, Food Panda, Joyride, Viu, Blast TV, PMPC, Nxt Studios, DSWD, BBZ at KFC bilang mga panimula.
“Nag-sponsor kami at nagpakita ng aming suporta para sa mga pangunahing kaganapan tulad ng Binibining Pilipinas, Circus Music Festival, Internet of Things Conference 2024, Reyes Cup, Arthur Nery Concert, Preview Ball, VMX Project X, Star Awards, 2024 Metro Manila Film Festival at Bumper to Bumper Car Show at iba pa.
“Ang PlayTime ay isang kumpanya ng paglalaro na lisensyado ng PAGCOR, isang Remote Gaming Licensee, upang maging mas tiyak, at kami ay nasa unahan ng electronic gaming revolution sa Pilipinas.
“Halos isang taon at kalahati na ngayon, ang PlayTime ay itinatag ang online presence nito na may napakaraming 1M na tagasunod sa Facebook! Gawing mas malaki ang presensya ng PlayTime sa social media kaysa sa aming kumpetisyon.
“Sa aming nakaka-engganyo na nilalaman, mga live stream at pakikipag-ugnayan sa komunidad, nagagawa naming bumuo ng katapatan sa brand sa loob ng wala pang dalawang taon gamit ang mga mini-program at OEM ng PlayTime, nakakagawa kami ng mahalagang content gaya ng mga vlog, artikulo, infographic at maiikling feature na nauugnay sa paglalaro, na kumukuha at umaakit sa mga potensyal na manlalaro.
“Ang aming pakikipagtulungan sa mga mamamahayag ng paglalaro at mga media outlet ay palaging pinahusay ang visibility ng PlayTime. Salamat, guys! At salamat din sa aming mga kaakibat.
‘Yun na!
