

KAMPANTE lang talaga ngayon si Daniel Padilla sa sitwasyon ng kanyang movie career. Ninanamnam niya sa kasalukuyan, na marami ang pumupuri sa ganda ng teleseryeng “Incognito” ng Kapamilya Network, kung saan isa siya sa mga bida.
Habang nananahimik si Daniel at hinahayaan lang lumipas ang naging epekto ng hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo, kung saan napunta sa dating karelasyon ang simpatiya ng nga tao habang puro pagtuligsa at paninisi ang ipinukol sa kanya ng nakararami, ay hindi pa rin nawawala ngayon ang mga intrigang gusto pa rin siyang hilahin pababa.
Katatapos lang humupa ang init ng pagkukumpara sa kanilang dalawa ni Alden Richards, dahil naipalabas na ang huling pelikulang pinagtambalan ng Kapuso actor at ni Kathryn.
Ngayong nagpapatuloy ang pagsikat ni Donny Pangilinan ay ang matangkad na aktor na daw ang papalit sa kasikatan ni Daniel. Me gano’n?
Ngayong magkasama sa teleserye sina Daniel at ang napupuring mahusay umarteng si Anthony Jennings, ay dinadaig at inilalampaso raw nito si DJ sa galing umarte!
Sikat nang talaga ngayon si Donny at lalo pang humuhusay na aktor si Anthony. Kaya lang, hindi pa nila kayang madaig at ilampaso si Daniel, dahil bukod sa marami nang pelikula si DJ na kumita sa takilya ay ilang beses na rin siyang pinarangalan bilang Best Actor.KAMPANTE lang talaga ngayon si Daniel Padilla sa sitwasyon ng kanyang movie career. Ninanamnam niya sa kasalukuyan, na marami ang pumupuri sa ganda ng teleseryeng “Incognito” ng Kapamilya Network, kung saan isa siya sa mga bida.
Habang nananahimik si Daniel at hinahayaan lang lumipas ang naging epekto ng hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo, kung saan napunta sa dating karelasyon ang simpatiya ng nga tao habang puro pagtuligsa at paninisi ang ipinukol sa kanya ng nakararami, ay hindi pa rin nawawala ngayon ang mga intrigang gusto pa rin siyang hilahin pababa.


AI-AI DELAS ALAS, MAS NAGMUKHANG BATA AT MAS SUMEKSI NGAYON
Hindi naman intensiyon ng pagpapaganda at pagpapaseksi ni Ai-Ai ay para mapansin at magkaroon siya ng bagong lovelife. Paraan din niya ang palagiang pagdyi-gym at zumba, para sa maayos na hitsura bilang artista, kasama na rin ang pagpapalipas ng oras para makalimot sa naging hiwalayan nila ni Gerald Sibayan.
Hindi naman mabilis mabubura ang lungkot ng hiwalayan nila ni Gerald. Pero nitong huli ay mahahalata mo sa paninindigan ni Ai-Ai na kinakaya niya ang pinagdaraanang sitwasyon.
Paulit-ulit na nakakabangon si Ai-Ai sa mga pagsubok sa buhay, dahil ang seryosong parte ng kanyang pagkatao ay isa siyang maka-Diyos, maawain at matulungin sa kapwa.
Nagpost si Ai-Ai sa kanyang social media account ng isang malawak na lupain na may kasamang magandang bundok. Sabi niya: “Ito ang minana kong bundok, mula sa aking inay. Dream kong magtayo ng malaking bahay kubo at katabi ay isang magandang simbahan. At tatawagin ko siyang Mountain Of Glory. Bilang ang pangalan ng biological nanay ko ay Gloria.”
