



May kasabihang ‘tinapay is life.’ Katunayan, napalaki ng ambag ng pagkaing ito hindi lang sa ating nutrisyon. Higit sa pagiging pagkain, hindi rin matatawaran ang kontribusyon ng industryang ito sa ating ekonomiya. Bukod sa pagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan, ito rin ang repleksyon ng ating mayamang kultura. Mula sa pandesal, hopia, donut, biscuit, cookie, pan de krema ,croissant at iba pa, lahat ng produktong ito ay bunga ng masusing pananaliksik na mas pinasarap pa ng mga bagong inobasyon. Kaya naman, para mapayabong pa ang industriya ng paggawa ng tinapay sa bansa, itinatag ng Filipino Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) ang Bakery Fair. More than a trade show, ang biennial event na ito ay layuning iangat ang antas at kalidad ng baking industry sa bansa.
Ang Bakery Fair 2025 ay gaganapin mula Marso 6 hanggang 6, 2025 sa World Trade Center, Manila. “Sa panahong dumaranas ng pagsubok ang local baking industry dahil sa pagtaas ng presyo ng mga sangkap sa paggawa ng tinapay sa pandaigdigang merkado tulad ng harina at asukal, nararapat lamang na magbuklod ang lahat ng ating mga kasapi para masolusyunan ang problema. Sa pagtaas ng mga presyo, kailangan din nating ma-address ang isyu nang di kailangang maapektuhan ang kalidad ng ating mga produkto. Ito ang isa sa mga layunin ng Bakery Fair,” ani FCBAI President Chris Ah.
“This event is more than just a showcase; it’s a catalyst for unity and progress, bringing together pioneers and communities create a sweeter, brighter future for all. It’s unmatched reach- from bustling cities to remote provinces makes it the ideal venue nurture close-knit industry relationships,”dugtong niya. Ayon pa kay Ah, ang three day event na dadaluhan ng industry leaders, baking professionals, suppliers, booth exhibitors at celebrities ay bukas sa publiko. “Just as Tikoy and cakes bind families during celebrations, this event unites our industry in harmony and progress,” dagdag ni Ah. Ilan sa highlights ng event ang “The Baker’s Cup kung saan tampok ang “Flour Masters: Bread Baking Competition”‘at “The Cake Illusion: Hyper-Realistic Cake Art Competition.”
Kasama rin dito ang “Grand Regal Tiers Wedding Cake Display Competition,” kung saang pinakamalikhain at pabolosong disenyo ay magwawagi ng PHP 50,000 . Meron din silang Donut Dash,Cake My Day, World Water Day Cake Decorating Competition at American Croissant Challenge. Magbubukas din ito ng oportunidad sa mga kuwalipikado ng international training opportunities at trips sa mga tanyag na baking institutes. Meron ding Live Interactive Demos kung saan puwedeng matuto ang publiko sa world-class chefs sa Main State at 360° Stage. Inaasahan namang dumalo sa nasabing event ang Kapuso actress at entrepreneur na si Rhian Ramos na magpapatakam ng kanyang cookies mula sa kanyang Bas Bakes. Imbitado rin ang kilalang chef, baker, businessman at aktor na si Marvin Agustin na magpapamalas ng kanyang galing sa pagluluto. Para sa karagdagang mga detalye, bisitahan ang Facebook page ng Filipino Bakery Association of the Philippines.

RHIAN, INILUNSAD ANG BAGONG LIFESTYLE SHOW
Bukod sa magaling na aktres, isa na ring budding entrepreneur ang Kapuso actress na si Rhian Ramos. Katunayan, masaya siya dahil selling like hotcakes ang kanyang cookies under her Bas Bakes brand. “Actually, nagsimula lang siya bilang hobby. Then, it became something that I would make for my loved ones and closest friends,” pahayag niya. Dahil marami raw ang nasarapan sa kanyang ginawang cookies, nagkaroon daw ito ng clamor. “Since then, people have requested and ordered and bought these cookies…and I even get messaged about them on my social media platforms,” dugtong niya. Sa pagdagsa raw ng orders, naisip niyang gawin na itong negosyo. “So dahil sa demand, naisip ko. Why not ituloy na siyang business,” sey niya.
Kahit abala sa showbiz dahil sa kanyang mga proyekto, hindi raw naman siya nahihirapang i-manage ang kanyang oras. “It’s a matter of time management,” pakli niya. Natawa naman siya at isang pilyong ngiti ang naisagot niya nang maurot kung natikman na ng boyfriend na si Sam Verzosa ang kanyang ‘cookie.’ “Hahaha!, Oo naman. Isa siya sa mga unang nakatikim,” sagot niya. Meanwhile, happy naman si Rhian dahil may bago siyang lifestyle show na “When In Manila” sa GMA-7 na mapapanood na tuwing Sabado simula sa Marso 8, sa ganap na 11:30 ng umaga.
Ito ang pansamantalang papalit sa time slot ng Dear SV ng Manila City mayoralty candidate na si Sam Verzosa. “Actually, na-miss ko ang hosting. I’ve been hosting lifestyle shows sa GMA dati na. Pero, iba ito,”hirit niya. Dagdag pa niya, ‘hands-on’ daw siya sa mga topics at segments na tatalakayin sa show. “Am glad to have a free hand. It’s actually another exciting show not only on food, travel and events,” sey niya. Aniya, marami raw siyang na-realize sa pagsabak niya sa taping ng first few episodes ng nasabing show. “Napakadami palang activities, things to do, date places that you could go to at saka ang dami palang iba’t-ibang klaseng food. Iyong Pinoy kasi malasa. Iyong taste ng gusto nating food. I would say that we’re very adventurous sa pagkain,” sey niya. “In shooting the first few episodes, I have eaten things I have never thought of eating before. Most of them naman, I happily eat. May mga one or two lang na parang out of this world for me,” dugtong niya.
Hirit pa niya, food haven din daw palang maituturing ang Manila. “May mga ganoon din palang sini-serve na food sa Manila. There are a lot na kung ipupunta mo sa other places in Asia, meron din pala sa night markets natin. Meron din pala dito,” bulalas niya. Dagdag pa niya, gusto raw niyang ipromote ang yaman at kakanyahan ng kulturang Pinoy. “Iyon ang gusto kong i-promote, iyong kagandahan ng mga tanawin natin, iyong delicious foods and recommended places to eat and the wonderful people of Manila. I want people to be excited on being a Filipino by exploring first their own country bago pa sila lumabas sa ibang bansa, “pagtatapos niya. Si Rhian ay dati nang naging host sa lifestyle infotainment show na “Taste Buddies.”
Ilan sa mga programang ini-host niya ay ang interactive TV reality show na “Pinoy Idol Extra” at “Ïn The Limelight”, isang entertainment news broadcasting show. Bukod sa kanyang bagong hosting stint, si Rhian ay magpapatakam ng kanyang baked cookies sa Bakery Fair 2025, isang biennial event ng Filipino Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) na bukod sa isang trade show ay isang pagtitipon para mapaitaas pa ang antas at kalidad ng baking industry sa bansa. Idaraos sa World Trade Center, Manila mula Marso 6 hanggang 8, ang event na dadaluhan ng industry leaders, baking professionals, suppliers, booth exhibitors at celebrities ay bukas sa publiko. Malapit na ring mapanood si Rhian sa pelikulang “Unconditional” at sa upcoming Kapuso TV fantasy series na “Encantadia Chronicles: Sang’gre”
