


Sinorpresa nya ang magiging kabiyak na ng puso niya sa hindi malayong panahon na si Rhian Ramos, by giving her a bouquet of pink roses, with matching kiss of course!
Ang alam ni Rhian, may meeting at nasa campaign sortie na niya si Manila mayoralty candidate, Sam Verzosa.
But that Thursday was an important date because Rhian’s new program in GMA-7 was launched, ang ‘Where in Manila’.
Mapapanood ang nasabing program every Saturday at 11:30 p.m. simula sa March 8, 2025.
Teka, ‘di ba may pinapanood na tayo sa time slot na ‘yan sa GMA-7? Oo, ‘yung Dear SV ni Sam, dba?
Pero dahil panahon na ng pangangampanya, mawawala na ang pribilehiyong ‘yun kay Sam. Ang plano nga nung una, si Rhian ang papalit sa kanya to host it, pero nakaisip siya ng isang palabas na mas babagay kay Rhian na malapit din sa puso nito, pagkain na may kasamang travel at adventures shempre, kaya naging ‘Where in Manila’.
With a play on words, sabi pa nga ng ace reporter na si Lhar Santiago, mas maganda rin daw kung naging (Sam) Where in Manila ang titulo. At sabi rin, ‘Sam, Where in Manila?’ Kung patanong.
Nagpatikim na ng ilang clips sa media ang sinimulan ng ikot ni Rhian sa mga lugar na hindi niya alam na nage-exist, na ang karamihan din ay si Sam ang may suhestiyon.
Lumabas ang pagiging adbenturera ni Rhian na siyang tunay na personalidad pala nito. Taliwas sa nakilala sa kanya na suplada, pinabulaanan ito ng dalaga.
Imagine-in mong kumakain ng mga paborito niyang betamax, isaw at fishballs sa mga susuungin niyang eskinita sa pusod ng Maynila ito. Ilan sa mga bibisitahin ni Rhian ang mga kalye sa Chinatown, Binondo at sa Tondo.
At ang mga exotic ding pagkain na gaya ng mga reptiles (ahas ba ito?).. Meron din naman daw siya iniiwasan pero maipapakita pa rin nila sa programa kung ano ang mga ito.
Kasama raw ba ito sa campaign plan ni Sam? Maski naman ano ang sabihin, ganoon ang magiging dating nito sa mga tao dahil papasok siya sa mundo ng pulitika.
At sa mula’t mula naman ay nagpakita na ng ibayong suporta niya si Rhian sa kasintahan. Maski nung una, tutol siya na gawin ito ni Sam.
Sa magandang paliwanag, nakuha ni Rhian ang purpose ni Sam in doing this. Nang makita na ni Rhian ang naging magnitude ng pagtulong ni Sam sa maraming tao (mula pa lang sa pagiging businessman nito sa Frontrow) na nagtuluy-tuloy na.
Pati ang mga materyal na bagay na masasabi’ng sobra’ng luho na sa buhay ni Sam ay isinakripisyo nito para sa nakararami. Nang ibenta ang luxury cars niya through an auction. At ipamudmod naman ang napagbentahan para itulong sa mga mas nangangailangan.
Hindi ligtas si Sam sa nagsulputan na bashers niya sa pagpasok niya sa pulitika. Naniniwala si Sam na gagabayan sila ng paglitaw ng katotohanan sa maraming mga bagay.
Ang ikinasisiya ni Sam sa patuloy niyang pag-ikot sa mga pinupuntahan niya, nagsimula ng lumaki ang mga biniyayaan niya ng mga siomai carts na ipinamigay niya sa maraming pamilya.
Inspirado si Rhian, gano’n din ang hindi makitaan ng bahid ng pagod na si Sam. Gano’n na sila sa isa’t isa ngayon.
Ang tanong ko nga kay Sam ay kung ano ba ang physical attributes ni Rhian na gustu’ng-gusto niya.
Ang mukha raw nito kapag bumungad na sa pagmulat ng kanyang mga nata. The smile. And the good heart that holds everything about her.
Mahilig talaga sila kumain ng steak. At maski ang mga anak ni Sam eh naipagluluto na ni Rhian ng steak na paborito ng mga bagets.
Pero nabubuo pala ang araw ni Sam na bago lumabas ng bahay may bitbit ng cookies especially prepared ni Rhian.
Bine-bake na lang daw ito ni Rhian na nabibili ng prepared na. Ang cookie raw ni Rhian ang pinaka-masarap na niyang natikman o nakain!
O, mga isip niyo ha!
Ise-share ni Rhian ‘yan sa pamamasyal niya sa Maynila at mga karatig nito sa ‘Where In Manila’, kaya tara na, sumama tayo sa kanya!
Whatever happens daw sa kanilang mga plano, magaganap ang kasalan nila sa simbahang nasa pusod ng Maynila. Dahil deboto si Sam ng Itim na Nazareno, hiniling na niya kay Rhian na doon nila ito gawin. Basta ang sabi naman ni Rhian eh, si Sam na ang bahala!
Pwede’ng bumalik sa programa si Sam soon pero napapanood pa rin naman daw ang ‘Dear SV’ online.
Parang hihintayin din na sa kalaunan, magsama rin sila ni Rhian sa isang programa. ‘SAMWhere in Manila SVCares’.
