
NAGBAGO at lumipas na ang panahon ng kasikatan at porma ng dating sikat at guwapong aktor, na ngayon ay active pa rin ang showbiz career, dahil nagbibida pa rin naman siya sa mga pelikula at mga teleserye.
Naging pantasya si guwapong aktor ng mga kababaihang kolehiyala, mga matrona, mga bagets at ng mga badaf. Hindi naman siya Playboy, pero havey siya sa dami ng nakarelasyon.
Nitong huli, matamlay na siya sa mga pakikipagrelasyon. Siya ang laging kumakalas sa mga kababaihan. Kaya luhaan ang mga girls na kanyang iniwan dahil sa personal niyang rason.
May karamdam si guwapong aktor, na kahit may gamutan ay mahirap gumaling. Dahil dito, kapag may paglubha sa kanyang karamdaman ay takot siyang madamay sa sitwasyon niya ang kanyang karelasyon. Kaya isinasakripisyo na lang niya ang relasyon kesa madamay pa ang ibang tao sa problema niyang karamdaman.