

Pinag-uusapan ngayon ang bagong music video ni Regine Velasquez kung saan ni-revive niya ang soulful rendition ng kanta ni Nina. Sa music video, akting na akting ang Asia’s Songbird kung saan kabatuhan pa niya ng linya ang dati niyang leading man at Kapamilya actor na si Piolo Pascual.
Sey ng kafaneyan, wala pa rin daw kupas ang reyna ng birit songs. Ito ay kahit nalilinya siya ngayon sa pagkanta ng revival at hindi original songs. Dagdag pa ng mga kate-katera, ang lakas daw ng chemistry ng dalawa. Hirit pa nila, sana raw ay muling magsama ang dalawang hosts ng ASAP sa isang pelikula.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento. “THEY STILL GOT IT. HOPEFULLY MOVIE NA NEXT!” “Woow, ang lakas tlga ng chemistry” “I thought movie, ganda… i like this Miss Regine version, but i still love Nina’s version.” “Bitin!!! Dapat may part 2 yung I Love You, Goodbye naman. Tutal into revival naman si ate mo Regine.” “Ang acting skills ni madame, on point padin. Walang kupas.” “
Sana magsama uli sila sa isang pelikula.” “Na-miss ko ang pagkanta niya ng OPMs. Sana bagong kanta at hindi na revivals.” “In fairness, pareho silang kupas ni Papa P.” Sina Regine at Piolo ay nagkatambal noon sa pelikulang “Paano Kita Iibigin”
