


Samu’t-sari ang naging reaksyon ng netizens na sumusubaybay sa seryeng “Incognito” na napapanood sa Netflix, Kapamilya channel at iba pang platforms. Sa technical aspect na lang, hindi ito tinipid at maituturing na world class ang production values. Pagdating naman sa action scenes, ang daming pasabog ng cast tulad nina Daniel Padilla, Ian Veneracion, Anthony Jennings, Baron Geisler, Maris Racal, Kaila Estrada at Richard Gutierrez. Kung usapang acting naman ay masasabing markado at halos pantay-pantay ang roles ng ensemble cast. Pero may kibitzers na pinagsasabong sina Daniel Padilla at Anthony Jennings. Hirit ng mga nagmamahadera, mas magaling daw umarte si Jennings kay Padilla na kinontra naman ng iba. Ito ang ilan sa kanilang mga komento. “Si Anthony, napaka-natural umakting. Sapaw niya si DJ.” “They are all good actors, but Anthony as a new actor he is doing really well
” “wala akong masabe ang galing ni Anthony Jennings umarte I am in awe sa galing nya..” “Ang galing ni Daniel Padilla! He’s quick sa action scenes, very snappy not lousy. I think action drama ang pinaka forte nya! Ay ang galing!!!” “Galing nila lahat sa incognito.di dapat ikumpara ang dalawa .Daniel at Anthony.

” “Magaling talaga si Anthony very natural. Magaling bumitaw ng linya mapa drama, acrion at comedy. Very versatile

” “and the list goes on. Bottomline is, hindi sila maiccompare dahil mayroon silang kanya kanyang forte” “Astig si Daniel saka mula sa puso ang acting nya,magkaiba sila nag atake sa pag arte.” “Mag kaiba naman kasi si DJ and Anthony ng roles Isang may pag ka makulit at isang seryoso.” “Korek, no comparison pls! magkaiba po si Daniel at Anthony besides seniority as actors galangin po natin lahat
” “Sa totoo lng po napansin po namin magaling si Anthony kaysa kay daniel…opinion lng namin
” “No comparison Pareho silang Pogi
” Si Anthony ay kasalukuyang napapanood sa Netflix movie na “Sosyal Climbers” kasama ang kanyang kontrobersyal na love team partner na si Maris Racal. Si Daniel naman ay nakatakdang gawin ang mga pelikulang “The Guest” at “Nang Mapagod si Kamatayan.”
